CHAPTER 39

2103 Words

Lihim Kahit sabihin kong nagbago na ang ugali ni Zig ay nanatili pa rin talagang mailap s'ya sa mga tao kaya nama'y ang mga pinsan at ang mga Tita n'ya ang humarap sa mga panauhin pagkatapos ng ginawa kong prod. number. Hinila n'ya ako papunta sa loob ng bahay na s'yang ikinagulat ko. Akala ko'y hahanapin lang namin sina Ellize pero dumiretso lang kami sa ikalawang palapag kung nasaan ang kani-kanilang mga silid tulugan. "Zig, alam kong wala dito ang mga hinahanap natin. Naku! Kahit kaarawan mo ngayon ay sinisiguro ko sa'yong hindi ka pa rin makakapuntos." Frankly speaking. Dahil sa araw-araw nga kaming magkasama ni Zig ay parang nahahawaan na 'ko ng pagiging manyak nito. At ngayon ay nagiging prangka na nga 'ko at talagang nasasabi ko na ang gusto kong sabihin ng walang alinlangan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD