CHAPTIE 3
KENZO'S POV
the fck.. bakit ang lakas manuntok at manipa ng babaing yun?!
sht.. tsaka ko tinignan nanaman sa salamin ang namamaga paring gilid ng labi ko.. hell! paano ko to itatago kela mom? siguradong mas dadakdakan pa nila ako kapag nakita to.. bwisit na babae! dinaig pa ang lalaking manuntok! isa suntok lang napaputok na ang labi ko bwisit..
tsaka ko nilagyan ng band aid para kahit papano hindi halata at ang nakakainis! babae ang may gawa !
"Ohlala.. hahaha akala ko ba ikaw ang susuntok sakanya?? oh ano ngayon?? mukhang mas malakas pa manuntok yung babae sayo eh.. tignan mo oh.. sobrang napuruhan ang kagwapuhan mo sa isang suntok lang hahahahaha" tatawa tawang saad ni zeke kaya binato ko siya ng alcohol sa tabi ko..
pisti..
"you shut up.. kapag ako napikon sa inyo.. ipapakain ko ng buo tong arm chair.. " saad ko na inis na inis
natawa lang naman sila at hindi manlang pinansin ang sinabi ko..
"ikaw naman kasi.. sa rami raming susubukan mo yun pang babaing sobrang tapang.. dinaig kapa sa sobrang Angas nun e.. kahit nga sa paglalakad hindi mo aakalaing babae.. "natatawa nanamang saad ni neo.. kaya inirapan ko lang sila..
"oh ano?? kamusta si manoy? ok paba? baka hindi kana talaga magka anak nyan pare.. hahaha " segunda ni dino
Aish.. pwede bang pumatay ng kaibigan kahit ngayon lang?!
"tumahimik na kayo pwede ba?! talagang makakatikim ng matindi sakin yung babaeng yun kapag nagkita kami " saad ko.. kaya nagtawanan nanaman sila..
" oh oh.. pag isipan mo muna yan pare! baka kasi pagbalik mo dito.. iika ika kana at hindi na makalakad at yang gwapo mong mukha hindi na makilala kapag sobrang nabogbog niya na " natatawa nanamang saad ni Neo..
Oh sht.. kaibigan ko ba talaga sila?!
"Eeesh.. Mga kaibigan ko ba talaga kayo?! mga gago! pero Tignan natin kung sino ang mapapahiya samin.. pagbabayaran niya tong ginawa niya sakin .. " saad ko at may halong pagbabanta sa babaing nagpapainit ng ulo ko..
inumpisahan niya?? pwes ipagpapatuloy ko !
----------------
LORRAINE'S POV
"ANO?! SINUNTOK MO?! gaaaahd fyel! bakit hindi ka manlang nag dalawang isip nung ginawa mo yan?! " nag he hysterical na sigaw sakin ni Kiera.. kaya inirapan ko lang siya..
"tsk anong paki ko? buti nga yun para matauhan yung lalaking manyak na yun! sa lahat ng mamanyakin ako pa ang sinubukan niya " sagot ko kaya napa face palm siya na parang siya pa ang nag aalala..
"Paano kapag binawian ka niya?? hindi mo pa kilala si Kenzo Kiel Madrigal Fyel.. hindi yun pumapayag na mapahiya kanino man at lalo na ikaw na babae pa ang nanuntok at sumipa sa sandatahang lakas niya nakuuu! maghahamon ng world war 3 yun jusko!! "nag aalala niyang saad kaya napabuntong hininga nalang ako at hindi manlang yun pinansin at pinag patuloy ang pagbabasa..
siya pa ang nag aalala sakin eh wala nga akong pakialam.. edi bahala yung lalaking yun kapag bumawi siya.. hihintayin ko nalang yung araw na yun..
"wag kana mag isip Masyado Kiera.. wala akong pakialam sa manyak na yun.. edi kapag bumawi siya.. wala na tayong magagawa.. at tsaka ginawa ko lang naman yung tama para sa mga Manyak na katulad niya "sagot ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa..
kaya napabuntong hininga nalang siya.. at hindi na nagsalita..
tsaka ko isinara ang libro at tumayo..
"Tara na.. magsisimula na ang klase " saad ko..
"aish.. sayang hindi tayo magka klase.. update mo ko ah. kapag may nangyari " saad niya..
aish ang babaing talaga to..
kaya naglakad na kami papunta sa Classroom nung biglang may Umakbay sakin
"Uyy.. Ngayon ko lang kayo nakita.. pinagtataguan niyo ba ako?? " saad ni Franz at mas lalong hinigpitan ang pagkaka akbay .. kaya sinimangutan ko siya ..
"alisin mo nga yang kamay mo.. ang bigat bigat e " reklamo ko sakanya..
"ito naman.. Saan ba ang punta nyo?? bakit hindi niyo ko sinasama " saad nito na parang nagtatampo..
"ok ka lang teh?? may klase na po baka hindi mo maalala "sagot naman ni Kiera kay Franz kaya napa iling iling nalang ako.. ayan nanaman sila..
Matagal na kaming magkakaibigan since then.. ewan ko ba bakit naging kaibigan ko tong dalawang to.. And para hindi kayo malito.. bakla po si franz pero hindi siya showy tulad ng iba. .dahil kahit bakla siya ay kumikilos lalaki at nananamit lalaki siya dahil nga sa takot siya sa tatay niyang Sundalo.. kami lang ni kiera ang nakaka alam na may dugong pink siya.. sekretong malupit daw namin..
"tumahimik ka nga jan.. baka may makarinig sayo.. pagkamalan pa akong bakla dahil tinawag mo kong teh " saad ni Franz..
"gaga!! bakit?? hindi ba?? "natatWang saad ni kiera kaya pinandilatan siya ng mata ni franz..
natatakot kasi si franz na baka may makarinig.. at makarating sa tatay niya.. kaya kahit ganun.. support nalang kami ni kiera ..pero itong si kiera.. palagi nalang inaasar itong isa kaya minsan hindi sila nagkakasundo..
"sabunutan kita e! "saad naman ni franz.. kaya natawa lang itong isa..
"sige. paano ka hindi pagkakamalan eh puro babae ang kasama mo aber? kami nalang palagi ni Fyel ang kasama mo " saad ni kiera..
"tsk.. edi sasabihin kong nililigawan ko si Lorraine.. oh "sagot naman ni franz kaya napa irap ako..
"hahaha... mas maangas pa yata si fyel sayo eh! haha " pang asar ni kiera.. habang ako tahimik lang habang naglalakad kami.
"anong gusto mo?? IKAW?? yuccck " sagot naman nitong isa.. ahay nalang.. kung hindi ko lang alam na bakla tong isa? baka pwede pa silang magkatuluyang dalawa!
"Hih.. " saad naman ni Kiera
kaya natawa nalang si Franz dahil naasar na si kiera.. kaya napa iling iling nalang ulit ako.. at agad ng pumasok sa classroom na hindi manlang nagpapa alam sa dalawang nag tatalo parin..
pagka pasok na pagka pasok ko palang ay bumungad agad sakin ang mukha ng manyak na si Kenzo kiel Madrigal
naalala ko.. dito pala sa subject nato magkaklase kami...tignan mo nga naman.. mukha hindi pa nadala tong walang hiyang to at gusto pa ng Part 2 .. at nakikita ko pa ang naka band aid niyang kanang labi dahil sa suntok ko.. di ko nga aakalain na puputok agad ang labi niya dahil lang sa isang suntok ko.. aish ganun ka nipis ang mukha niya.. mahina pa nga yun eh..
hindi pa man ako nakaka upo sa upuan ko nung tumayo siya sabay tingin sakin ng masama.. kaya lahat ng mga estudyante ay nakatingin na sakanya ngayon at sa akin..
lintik may balak pa yatang mag bigay ng libreng pa sine..
"You! tumayo ka! hindi pa ako tapos sayo na babae ka! "sigaw nito sabay duro sakin..
abat!
kaya tumayo ako..
ano naman kaya ang gusto niyang mangyari ngayon??
"Do you know Guyz?! this fckin Girl infront of me has the Courage to punch me in my face!! Im just being Kind to her but look what she did!! She's the one who's responsible for this fckin wound on my lips.. at hindi pa nadala! sinipa pa ako!! alam mo ba kung anong parusa dahil sa ginawa mo?? even my parents!! hindi hinahayaang madapuan ng kahit kaninong kamay tong mukha ko!! " malakas na sigaw niya sa buong classroom kaya lahat nag singhapan at kanya kanya ng bulungan ang iba..
at masasama na ang titig sakin ng kababaihan
dinamay pa ang mga magulang niya!! aba! ibang klase din tong ugok nato!
napaka kuting.. naghahanap lang ng makakampi para mag mukha akong masama..
ok sige.. ito ang hanap niya?? pagbibigyan ko siya
kaya tinignan ko siya ng seryoso..
" bakit hindi mo sabihin ang dahilan kung bakit kita sinuntok at sinipa sa parteng hindi nasisikatan ng araw sa katawan mo?
sa tingin mo matatakot mo ko dito?? at sumigaw sigaw kapa para maka hanap ng makakampi mo?? what an ashole! you just prove na napaka talunan mo! com on.. lalaki kaba talaga?? ok tatanggapin ko kung anong parusa kapag nalaman nila ang totoong ginawa mo! hindi ako takot sayo Mr. Kenzo kiel Madrigal .. hindi ako takot sa isang kuting na kagaya mo " seryoso kong sabi.. kaya natawa siya..
"Com on.. are you accusing me na may balak akong patulan ka?! Gahd! isang manang na kagaya mo? papatulan ko?! "saad nito kaya nagtawanan ang iba.. lalo na ang mga babae na hini head to foot na ako at natatawa...
"i never mentioned na yun ang ginawa mo Mr. Madrigal.. talagang sinasabi mo lang talaga na masyado kang guilty sa ginawa mo kaya napaghahalataan ka.. if you want to fck.. Com on.. may posteng nakapalda dun sa amin .. coz in your case .. baka siguro kapag nakakita ka ng kahit posteng nakapalda papatulan mo na.. ikaw na rin ang nag sabi na hindi ako ka patol patol na babae.. but id rather to die Virgin than to fck someone like you Mr. madrigal "seryoso ko paring saad kaya natahimik ang iba.. pati na siya..
"tsk..hindi ko alam na ang isang manang na kagaya mo ay magiging choosy pa at gugustuhing mamatay na Virgin kesa makasama ako? tsk and for your information.. wala sa taste ko ang pumatol sa kagaya mo kahit na magunaw pa ang mundo " natatawa na nitong sabi..
kaya natawa ako..
"same as me.. mas lalo namang hindi ko hahaluan ang Uri ko ng isang walang kwentang taong kagaya mo " sagot ko sakanya kaya nakita kong kumuyom ang palad niya..
"Paki inform nalang ako kapag nagsumbong ka na sa nanay at tatay mo na sinipa at sinuntok ko sa mukha ang unico iho nila.I will gladly introduce myself to them " saad ko at padabog na umalis sa classroom..