KUNG PAIIRALIN NI Rocco ang pagsunod sa nararamdaman ngayon, walang mangyayari sa kanya. Magbubunga lamang ng matinding kalungkutan ang lahat ng nakikita ng kanyang mga mata. Ang akala niya noong una, wala siyang pakialam sa kahit na sinong hindi parte ng kanyang pamilya. Hindi siya makokonsensya kung isa-isang mawawalan ang mga ito ng buhay o may mangyaring masama. Magpapanggap lamang siya ng walang nakita ay ayos na. Hindi niya naman akalain na magiging ganito ang epekto sa kanya ng lahat ngayon. Hindi niya pala kayang isangkalan ang buhay ng mga inosenteng tao. Kung dati ay tila pusong bato siya na hindi na matitibag ng kahit na sino, ngayon naman ay maaari na siyang sabitan ng medalya dahil sa wakas ay tila may isang anghel na bumulong na sa kanya. Nangyari lamang ang malaking pagbab

