KATULAD NG DATI, dagsa pa rin ng tao ang estasyon ng tren. Ang iba kase sa mga iyon ay papasok pa lamang sa kanilang trabaho habang ang iba naman ay pauwi na. Ganoon kaabala ang bayan nila. Kahit binalot na ng kadiliman ang kabuuan ng lugar, tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang iba. Hindi pa sinuot ni Rocco ang facemask na ibinigay ni Caci. Tama naman ito. Kahit anong suotin nila ay tawag atensyon lalo na kung ganoon ang susuotin niya. Nagtuloy-tuloy sa pababa ng lugar sina Rocco. Patungo sila ngayon sa tunnel ng tren. Doon sila maglilibot-libot upang maghanap ng palatandaan ng Vosrak. Sa ngayon ay wala pang ginagawa ang gobyerno ukol sa mga nasabing insidente. Pinag-aaralan pa rin kase ng eksperto ang tungkol sa Vosrak. Ang desisyon ng mga ito ang susundin ng mga kinauukulan. Maswerte sil

