NAROON NA NAMAN ANG malakas na pagtibok ng puso ni Rocco. Dala ng matinding kaba, hindi siya makapag-isip ng tama. Nasa harapan niya lang ang pamangkin, abot kamay niya ito ngunit bakit ipinagkait pa sa kanya na mailigtas ito? Napakabilis din ng pangyayari. Sa isang iglap lamang ay natangay ito ng halimaw na iyon habang nasa kanyang kamalayan. Nagpabalik-balik si Rocco sa kanyang pwesto. Pinipilit niyang paganahin ang isipan upang makagawa siya kaagad ng aksyon. Muling bumalik ang tingin niya sa direksyon kung saan natangay ang pamangkin. Matagal ang naging pagtingin niya roon. “Mahal na Hari...” Mabilis ang naging paglingon ni Rocco sa kanyang likuran. Naroon ang reynang si Vera. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at mapapansing may hinahanap ang mga mata. “Si Cosmo?” patukoy nito sa

