PATULOY ANG NAGING paglalakad ni Rocco. Malayo-layo pa ang kailangan niyang lakarin. Hindi iyon naging madali lalo na’t kinakailangan niyang magtago sa tuwing may lumilipad na Vozrak sa himpapawid. Hindi niya alam kung saan patungo ang mga iyon dahil sa pagpaparoo’t parito ng mga ito ngunit sigurado siyang hindi sila magtutungo sa Morefia kung maliit lamang ang bilang nila. Kung sasakupin nila ang kaharian, lupon ang darating sa lugar at hindi paisa-isa. Malaki ang naging tulong ni Fyro sa kanya upang tuluyang makalapit sa kuta ng mga kalaban. Ito kase ang naging gabay niya kapag nasa ilang metrong layo na ang Vozrak. Hindi niya mabilis na naririnig ang mga ito kapag humahangin nang malakas. Humahalo sa hangin ang tunog ng pagkampay ng pakpak ng mga ito. Dahil doon ay nawawalan ng silbi a

