Nasa bleacher pa din ako at naghihintay kay John. Luminga-linga na naman ako para makita kung lalabas na siya mula sa canteen pero wala pa rin siya. Nasaan na ba kasi iyon? Tumayo ako at bumaba sa bleacher. Pumunta ako ng canteen. Baka nga nando’n pa kasi siya sa canteen. Dumiretso nga ako ng canteen. Pagtingin ko sa bilihan ng mga softdrinks ay nakita ko si John na may kausap na babae. Sino kaya iyon? tanong na nasa utak ko. Nagtago ako sa mga bumibili para hindi niya ako makita. Hindi ko ine-expect ang makikita ko nang yumakap kay John ‘yong girl tapos umiyak ito. Feeling ko ang higpit higpit nang yakap ng girl na iyon kay John. Pero mas kinagulat ko ang ginawa ni John dahil yumakap din siya do’n sa girl. Napayuko ako, Sino ba iyon? mu

