CHAPTER 9

1452 Words
Maaga kaming nakarating ni John sa restaurant ng Tita niya at kasalukuyan na kaming kumakain, actually patapos na.   "Um, Ja, how was the food?" tanong niya sa akin habang nginunguya ko ang huling piraso ng pagkaing isinubo ko.   "It's okay, masarap siya," sagot ko sa kanya habang nakangiti.   "Only okay and masarap?" tanong niya na kinataka ko naman.   "Bakit?” tumingin ako sa kanya, “Ano ba ang gusto mong sagot?" tanong ko dito.   "Something to be talk to,” sagot niya sa akin.   Wala naman akong maisip na pwede naming pag-usapan.   Uminom na ako ng juice, senyales na tapos na akong kumain, at kahit siya at tapos na din.   "Hah, eh ano?” tingin ko na naman dito, “Like….. Ano bang ingredients nito, gano’n ba?" tanong ko habang nakangiti sa kanya.   "Hey, don't smile like that, Ja,” sabi niya, “I can’t control myself when I see you smiling like that," sagot niya na ngumiti na din.   Sumeryoso bigla ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang ibi niyang sabihin.   Oo English iyon, pero nakuha ko naman kahit papaano, iyon nga lang, gusto kong malaman kung bakit niya nasabi iyon.   "Ow, I'm sorry," sabi ni John na biglang sumeryoso din, "Shall we move to another place?” tanong niya na kinatitig ko sa kanyang mabuti, “I mean, where we can talk privately."   "Bakit?” tanong ko dito, “Ano ba ang pag-uusapan natin?"   "Ja, please, not in this place,” he said, “I just want you and me, a talk privately,"sagot niya na kinataka ko talaga. Napaisip tuloy ako.   Kaming dalawa lang?   "Ja, trust me," sabi ni John, "Let's go?" hindi ko alam kung nabasa niya ang utak ko, pero tumango na lang ako.   Umalis kami sa restaurant ng Tita niya at habang nasa kotse kami ay, "Hey, why you're so serious?” tanong ni John sa akin.   Napansin niya pala ako.   "H-Hah? I-It's nothing,” sagot ko dito, “Just drive."   "Okay," sagot naman niya sa akin.   “Don’t worry, Ja, I won’t do anything,” nabasa niya na naman siguro ang nasa isip ko, “I just want us to talk.”   Napatingin ako sa kanya at binigyan siya nang matipid na ngiti. Ngumiti din siya sa akin.   Nag-drive na lang siya at talagang hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa isang pamilyar na lugar.   "Teka,parang alam ko na ang lugar na ito ah?" sabi ko na luminga-linga sa paligid.   "Yeah, I know you know this," sabi ni John habang nagpa-park, "It's actually your favorite placa, Ja," sabi pa niya bago bumaba.   Pinagbuksan niya ako ng pinto, "Thanks."   "You're always welcome,” sagot niya, “Come," aya niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.   Naglakad-lakad kami sa lugar na iyon.   Tama. Ito nga ang paborito kong lugar.   Alam ninyo ba kung ano?   Ang Playground.   Oo. Tama kayo. Ito nga ang paborito kong lugar.   "Namiss ko ‘to!" sabi ko at naglakad nang mabilis.   Nagulat ako nang bumukas ang ilaw sa mga puno. Nababalutan pala ito ng mga Christmas lights.   "Wow!” manghang-mangha ako, “Ang ganda!"   Pumunta ako sa swing. Naupo ako at nag-enjoy habang nagsi-swing. Si John naman nakatingin lang sa akin habang nakangiti.   Tinawag ko siya, "Tara!" sabi ko habang diniduyan ang sarili ko, "Ang srap!" sigaw ko tapos sabay tawa nang malakas.    Umupo si John sa katabing swing habang nagsi-swing pa din ako. Na-miss ko kasi talaga ‘to eh.   It's been 4months after ng huli kong punta dito. Iyon pa ‘yong nakipagkita si Jam sa akin.   Oops!   Naalala ko siya.   Nawala bigla ang excitement ko.   Bumagal nang bumagal ang swing hanggang sa tumigil ito.   "Why?" tanong niya.   "N-Nothing," sagot ko na tumingin sa itaas, sa mga puno.   Napaisip ako, kumusta na kaya iyon?   Naalala ko bigla. May pag-uusapan pala kami ni John dito.   "Um, so, what's the talking all about?" tanong ko sa kanya sabay harap dito.   Nakita kong sumeryoso siya.   "Ja," nakatingin siya sa akin, "I just want to say sorry for what I've did befor," umpisa niya.   Natawa naman ako, "John naman eh, you're forgiven already, ‘di ba?" sagot ko.   "Yeah, I know,” sagot naman niya sa akin, “But there's still another thing I want you to know."   "Hah?” napamaang naman ako sa kanya, “Ano naman iyon?" tanong ko dito.   Huminga siya nang malalim at sumeryoso.   Pumikit at, "Janina..." sambit niya sa pangalan ko, ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan kong iyon, "I-I want to take care of you,” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.   At aaminin ko, hindi ako kaagad nakasagot, though wala namang tanong.   “To cheer you up when you're lonely,” nagsalita na naman siya, “To make you laugh when you're sad, and the most....” nakita kong lumunok siya bago muling magsalita, “To love you more than everything in this world."   Hah?!   Sobrang nagulat ako, Ano ‘to? tanong ng utak ko.   "John, are you making me laugh? I swear, it's not funny," sabi ko na biglang tumayo.   "Ja, please,” sambit niya, “I told you to trust me, right?" paalala niya sa akin, “I'm not making you laugh or else,” sagot niya sa akin, “I'm just telling you the truth," sabi niya na tumayo na din.   Anong pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. "What about the truth?" tanong ko na humarap sa kanya.   "The truth is….” napatigil siya sa pagsasalita habang nakatitig pa din ako sa kanya.   “What, John?” tanong ko dito ng hindi pa din siya magsalita.   Yumuko siya at bumulong pero hindi ko naman naintindihan.   “Ano? Hindi ko narinig,” sabi ko dahilan para tumingin na siyang muli sa akin at magsalita.   “I said I love you," mahina niyang sabi na ikinagulat ko, "I'm sorry for loving you secretly but it's all about this, Ja,” sabi niya, “Please, believe me, I love you,” ulit na naman niya at this time ay lumapit na siya sa akin, “I can give everything you want just let me love you, please.." sabi niya na hinawakan ang dalawang kamay ko, "Please.."   Nakatingin lang ako sa kanya.   Hindi ko alam ang sasabihin ko.   "Ja," tawag niya.   "H-Hah?" sambit ko dito.   "Ja naman eh," sambit din niya sa akin.   "John, I was shocked, I'm sorry," sagot ko dito.   "Just give me permission to love you and that's enough,” nagsalita na naman siya, “I know you're not yet ready it's because of someone else but I'll help you with that," dagdag pa niya.   Tinitigan ko tuloy siya nang maigi, "Do you really love me?" tanong ko.   "Of course, I do really love you," sagot niya sa akin.   "Then, c-can you w-wait?" tanong ko dito.   Walang kagatol-gatol na sumagot ito ng, "I can wait for you and I will."   Napailing naman ako, nakita ko kasi sa mga mata niya na hindi siya nagsisinungaling, na totoong kaya niya akong hintayin, "I'm sorry but I can't decide yet," sagot ko sabay talikod sa kanya.   "I know, Ja,” pigil niya sa akin, “It's not easy but I'll help you."   Napabaling ulit ako sa kanya, "No, John,” sagot ko dito, “It's not really easy."   "Why?” tanong nito, “Because you love him and he doesn't love you back?" tanong niya dahilan para titigan ko na siyang mabuti, "How did you know?"   "Ja, I am not numb not to feel that when we I started to befriend with you,” sagot nito sa akin, “Even if you don’t tell me, I know you love Jam that much."   Natahimik ako.   Tama kasi ang sinabi niya.   "But he doesn't love me,” I said, “He loves Jek," sabi ko pa na parang iiyak na.   "Yeah, and that's the set-up,” sabi niya, “I love you and you love him but he doesn't love you the way I love you,” hindi ko naintindihan sa sobrang bilis niyang magsalita.   “Hah?” naisambit ko tuloy dito.    “Ja,” hinawakan na naman niya ang mga kamay ko, “Please, trust me,” nakipagtitigan siya sa akin, ‘I will take care of you," sabi niya pagkatapos ay niyakap niya ako.   Mahigpit.   Hindi ko alam ang gagawin ko pero mas lalong hindi ko alam ang nararamdaman ko.   Papayagan ko ba siyang mahalin ako o hindi?   "John, please give me enough time to think about it," sabi ko nang magkalayo na kaming dalawa.   "If that's what you want, I'll give it to you," sagot niya na kinangiti ko na din sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD