JAM'S POV "Tita, ano po?” gulat kong tanong dito, “Nasaan na po siya ngayon, Tita?" tanong ko ulit kay Tita, "Oh sige po, pag-uwian po namin, hahanapin ko po siya kaagad, ‘wag po kayong mag-alala, Tita,” ‘yon lang at binaba na ni Tita ang tawag niya. "Sino ‘yon, pare?" tanong naman kaagad sa akin ni Chad. "Mama ni Janina,” sagot ko naman dito habang nag-aalala. "Bakit daw?" muli na naman siyang nagtanong sa akin. "Si Janina daw kasi hindi alam kung saan nagpunta!" nag-aalala kong sagot dito. "Huh?! Eh anong nangyari? Ibig kong sabihin, bakit hindi pa siya umuuwi?" "Hindi ko nga alam eh. Basta raw lumabas ng bahay at hanggang ngayon daw wala pa rin." "Anong nangyari do’n?" "Ewan ko, Pare,” sagot ko na naman dito, “Nag-aalala ako, Pare, baka kung saan nama

