JA’S POV Nandito ako ngayon kanila John dahil sa group work namin sa Math. Actually, ramdam ko ang ilangan sa aming dalawa, kaya lang wala naman akong magagawa kasi kagrupo ko siya at mas lalong siya ang leader namin kaya siya ang dapat sundin. Gaya nga nang sabi ko, siya ang leader namin kaya siya ang dapat susundin pero hindi ko naman maintindihan kung bakit wala pa ang mga kasama namin sa grupo samantalang ang ayos ayos nang usapan namin kahapon sa classroom. Asar na ah?! sambit ko tuloy habang naghihintay sa may garden nila John. “Am, Janina,” nagulat ako nang bigla niya akong tawagin, “Do you want some juice?” tanong niya, “I’ll get you some,” sabi niya habang nag-aayos ng mga gagamitin naming materials. “Am, I’m fine,” sagot ko naman dito, “Don’t worry. Thank

