CHAPTER 7

1264 Words
After that encounter, ito ulit ako, mag-isa, nakaupo na naman sa bleacher, nagbabasa na naman ng previous lessons.   Nag-iisip.   Kumusta na kaya si Jam?   Tama.   Tama kayo.   Pagkatapos ng encounter na iyon, hindi ko na naman nakikita si Jam.   It's been a month na hindi siya nagparamdam sa akin.   Text.   Calls.   Comments.   Message sa sss.   Lahat wala.   Para siyang kabute na biglang sumusulpot, pero mas para siyang bula na biglang mawawala, tapos ni anino niya talagang hindi makikita.   Si Jek pa rin kaya ang nasa isip niya?   Ayoko kasing pumunta sa kanila dahil ayokong hindi niya ako kausapin.   Teka, oo nga ano, magmumukha akong tanga kapag pumunta ako doon tapos hindi naman niya ako papansinin?   Oo.   Mangyayari iyon, pero best friend niya ako, kaya kong gawin iyon, desidido ako sa naisip ko.   Tama. Pupunta ako sa kanila.    - - - - - -   Heto nga naglalakad na ako, guess what, tama kayo, papunta nga ako sa kanila.   Tatanggapin ko kahit magmukha akong tanga.   Ilan pang minuto bago ako nakarating sa kanila.   Nandito na ako. Nasa tapat na ng gate nila. Magdo-doorbell na sana ako nang…   "Oh, Ja, hija," napatingin ako sa nagsalita.   "Tita Jane," bati ko dito sabay halik sa pisngi niya. Si tita Jane pala, siya ang tita ni Jam, mabait siya at maalaga. Siya ang nag-aalaga at nagbabantay kay Jam.   "Kumusta po?" tanong ko dito.   "Mabuti naman, Hija,” sagot nito sa akin, “Ang tagal mo ng ‘di dumadalaw, ah, ngayon lang ulit," sabi ni tita Jane sabay binuksan ang gate.   Sinara ko naman ito pagkapasok namin.   "Oo nga po eh," ngiti kong sagot dito.   "Pasok ka," sabi niya nang mabuksan na niya ang pintuan.   "Salamat po," sagot ko naman sa kanya, naupo ako sa sofa.   "Ano’ng gusto mo?" tanong niya habang nag-aayos ng mga pinamili niya sa lamesa.   "Okay lang po ako, tita Jane, huwag ninyo po akong alalahanin," sagot ko dito.   "Sigurado ka?" tanong nitong muli sa akin.   "Opo,” sagot ko din ulit dito.   "Ah, sige, ikaw ang bahala,” at pumunta siya sa kusina, “Saan ka ba galing?" tanong ni tita Jane sa akin nang makabalik na siya sa salas, lumapit ito sa akin at umupo sa sofa.   "Sa school po, Tita,” sagot ko dito.   "Ah..” sagot niya.   "Pumunta po ako dito para dalawin at kumustahin si Jam," dagdag ko dito na dahilan para biglang tumahimik si Tita, kasabay niyong ang paglungkot ng mukha niya, Bakit kaya?   "Um, tita,” sambit ko dito, “Okay lang po ba kayo?" tanong ko.   "Ha-Hah, o-oo,” nauutal niyang sagot sa akin, “Si Jam ba?"   "Opo, nasaan po siya?” tanong ko ulit dito, “Kumusta naman po siya?"   Nakita kong huminga nang malalim si tita Jane bago sumagot sa akin, "N-Nandon sa kwarto niya,” sagot nito, “Maghapon, magdamag lang na nakakulong,” nakikita ko ang awa sa mukha ni tita Jane, “Ayaw lumabas, ayaw nang pumasok,” yumuko si Tita, “Hindi ko alam kung bakit,” pagtatapat nito sa akin.   Ang best friend ko nagmumukmok? Hindi na ito tama! protesta ng utak ko.   "A-Ah Tita, nasaan po siya?" tanong ko, nag-aalala na ako.   "Nasa kwarto niya,” balik ng tingin sa akin ni Tita.   “Sige po, Tita, pupuntahan ko po siya,” pagkasabi no’n ay tumayo kaagad ako at tumakbo paakyat sa hagdanan nila.   Tinungo ko ang kwarto ng best friend ko. Wala akong pakialam sa mga ingay ko.   Hindi na ako kumatok bagkus binuksan ko na kaagad ang pinto niya.   At hindi ko inaasahan ang mabubungaran ko.   Si Jam!   Nakaupo lang sa kama niya.   Tulala.   Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto niya, ang dumi ng kwarto, sambit ko sa utak ko.   Ang kalat. At saka ako napalingon muli sa kinaroroonan ni Jam.   Ang best friend ko, tulala.   Sa loob ng isang buwang hindi ko siya nakita. Aaminin kong na-miss ko siya talaga.   Napalunok ako, "Bogz!” tawag ko sa kanya, “Ano ba ‘to, hah?!" tanong kong medyo nagtaas ang boses, pero hindi siya nagsasalita.   Sinara ko ang pinto at hinarap siya.   Nakayuko lang siya habang ako ay nakatayo sa harapan niya, "Bogz naman, sinisira mo ang buhay mo dahil lang do’n?!” muli na namang nagtaas ang boses ko, “Okay ka lang ba?!" sigaw ko sa kanya, pero wala siyang sagot sa akin, "Bogz, she doesn't even worth it!” nagagalit ako sa kanya, sa pananahimik niya, para kasing hindi niya ako naririnig kahit anong sigaw ko, “Hindi ang isang Jek ang ikasisira mo, ng pagiging mag-best friends natin,” sabi ko dito, naiinis ako sa kanya, sa pagwawalang bahala niya sa mga sinasabi ko, “Bogz, wake up, she's not worth it, wala siyang kwenta!" muli na naman ako sumigaw at this time ay narinig ko siyang nagsalita.   "Tama na," bulong niyang sagot sa akin.   "Bogz, ikaw ang tama na!" sabi ko na lalong sumigaw pa.   Tumayo na siya at hinarap ako.   "Kung pumunta ka lang dito para sermunan ako, umalis ka na!" sabi niya na kinagulat ko, kitang-kita ko kasi sa mga mata niya ang galit, pero hindi ako nagpatinag.   "Bogz, kaibigan mo ako,” sagot ko sa kanya, “Pero itong ginagawa mong ‘to, nakakasawa na ‘to, Jam," sabi ko.   "Kung sawang-sawa ka na, umalis ka na dito!” siya naman this time ay sumigaw, “Umalis ka na sa buhay ko dahil hindi na kita kailangan!" para akong nabuhusan nang malamig sa sinabi niya, gusto kong umiyak pero pinigilan ko.   "Hindi mo ba alam, kahit ilang beses ko nang sinubukan na balewalain ka, hindi pa din ganoon kadaling layuan ka at umalis nang basta basta sa buhay mo,” hindi na malakas ang boses ko, pero halata sa pagsasalita ko na pinipigilan ko ang pag-iyak ko, “Ewan ko ba, ang tanga-tanga ko dahil ikaw pa, ikaw pa na best friend ko,” gusto kong pigilan ang sarili ko dahil baka kung ano pa ang masabi ko pero sadyang hindi ko na din kaya pa, “Pero wala na akong pake, bogz,” sabi ko dito, “Tanga na kung tanga, basta ang alam ko mahal kita," sabi ko na umiyak na.   Nagulat siya.   Katahimikan ang sumunod na nangyari.   "Oo Jam, mahal kita!” muli ko na namang sabi dito, “Kaya lang ang g*g* mo dahil hindi mo nararamdaman!” dagdag ko pa dito.   "Tama na," bulong niyang muli.   "Bogz, sana naman magising ka na sa katotohanan na hindi ka na niya mahal!" sigaw ko sa kanya.   Habang nagsasalita ako habang siya ay bumubulong, "Tama na, tama na, tama na," at nang marinig niya ang sinabi kong hindi ka na niya mahal ay sumigaw siya, "Tama na!" sabi niya at saka tumayo sabay lapit sa akin.   Napasandal ako sa may pintuan niya, tinulak niya kasi ako doon, "Bogz, hindi ka na niya mahal,” naiiyak ko na namang sambit sa kanya, “Bakit  ba ayaw mong tanggap---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng may dumampi sa mga labi ko.   Hinalikan niya ako.   Oo.   Hinalikan niya ako.   Nagulat ako.   Ang best friend ko na ngayon ay mahal ko na, heto at hinayaan kong halikan ako.   Tinulak ko siya.   Napalayo naman siya sa akin.   Nagkatitigan kami, "Ja, I'm sor---," hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya kasi tumakbo na ako palabas ng kwarto.   Bumaba sa hagdanan nila at, "Oh, Hija, okay na b---," si tita Jane, hindi ko na ito pinansin.   Dumire-diretso ako palabas sa kanila habang umiiyak.   It was my first kiss.   My first real kiss.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD