Umikot siya nang upo para makaharap siya sa may Bay. Ginaya ko naman siya at humarap din ako kung saan siya ay nakaharap. Napatingin na naman ako sa kanya habang maigi ko siyang tinitigan. Para kasing ang lalim ng iniisip niya, "Ja," tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin, "Um?" "Masaya ka ba ngayon?" tanong ko rito habang nakatingin pa rin sa kanya. Ngumiti siyang muli sa akin at sumagot, "Oo naman, Bogz, masayang masaya, sobra, salamat ah, maraming salamat sa iyo,” tugon naman niya sa tanong ko. Bogz? tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong Bogz? Ibig bang sabihin nito ay okay na kami? Napatawad na niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya? Ibig bang sabihin nito ay balik na kami ulit sa dati na mag-best friend? Ang dami

