Oo, hinalikan ko siya! Hindi ko kasi alam kung paano siya patatahimikin eh. Pero nagulat din ako sa ginawa ko kaya naman bigla ay nagising ako sa pagkakatulak niya. Tinulak niya ako. Nagkatitigan kami. "Ja, I'm sor----," hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kasi lumabas na siya ng kwarto ko at tumakbo at kahit hindi ko nakitang tumakbo siya, narinig ko naman ang mga yabag niya papalayo. Saka lang ako nahimasmasan sa ginawa ko nang mapaupo ako sa kama ko. "Ano bang nagawa ko?" isinuklay ko ang kamay ko sa buhok ko, "Sh*t!" saka ko naisambit. Pagkatapos ng araw na iyon, parang tuluyan na akong nahimasmasan. Nahimasmasan sa mga pinaggagagawa ko. Kaya naman naisipan ko nang lumabas at magpagupit. Nag-ayos ng kwarto at naglinis. Nag-ahit ng

