After ng class that day, pumunta nga ako kanila Jam para kumustahin siya. "Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya. "Yap.." "Buti naman. Makakapasok ka na ba bukas?" tanong ko na namang muli rito. "Yap. Magaling na ako," sagot naman niya sa akin. "Good." Binigay ko ang mga notes para kokopyahin na lang niya. At heto na nga, kumokopya na siya. "Am, Jam.." tawag ko sa kanya. "Um?" "Sorry ah?" sabi ko. "Bakit?" nagsusulat pa rin siya. "Kasi...” hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. “Ano iyon, Ja?” tanong niya. “Um, nagkausap na naman kami ni John kanina lang,” saad ko rito. Napatigil siya sa pagsusulat at napatingin sa akin. "I tried to avoid him naman eh pero kasi----," he cut my sentences. "Janina.. Ayokong masaktan ka. M

