JAM'S POV "Tita," tawag ko nang makapasok na ako sa gate ng bahay namin. Isinara ko ang gate at pumasok na sa loob. “Tita Jane,” muli ay tawag ko sa Tita ko habang papasok ng dining area, pero wala namang sumasagot sa akin. Pagkapasok ko sa kusina namin ay, "Hi!" bati ni Janina na kinagulat ko. Ano? Oo nandito nga si Janina. "Hey, para ka namang nakakita ng multo,” sambit niya. "So---Sorry, pasensya na. Nagulat naman kasi ako sa iyo,” tugon ko naman sa kanya. "Grabe ka naman sa akin, Bogz. Base sa reaksyon mo para kang nakakita ng multo eh,” ika niya. "Sorry. Nagulat kasi talaga ako,” tugon ko, “Eh teka, ano nga pala ang ginagawa mo rito?" I asked then I sat down on the sofa. "Um, gusto kasi kitang i-surprise. Halika!” hinatak niya ako papuntang

