Aligaga si Elena habang nakahiga sa kama nila ni Alvin. Kailangan niyang mag beauty rest ngayong gabi dahil bukas na bukas ay kasal na niya, pero hindi niya magawang makatulog. Siguro ay ito ang tinatawag nilang wedding jetters. Kahit pa kasal naman sila ni Alvin sa huwes kaya dapat ay wala na siyang dapat ikabahala pero hindi niya parin maiwasan. Excited na kinakabahan siya para bukas na para na siyang timang na pabaling-baling sa kama nila. Mag isa siya doon kaya siguro hindi siya dalawin ng antok. Ang nanay niyang maraming pamahiin ay dalawang araw silang hindi pinagkita ni Alvin dahil iyon daw dapat ang ginagawa ng mga magpapakasal. Kahit pa sabihin niyang hindi naman siguro applicable iyon sa kanila dahil mag asawa na sila. Pero hindi nagpatinag ang ina kaya wala silang nagawa kundi

