Dinaos ang napakalaking event sa malaking Hotel Sa Metro Manila. Lahat ng mayayamang negosyante pati na galing sa ibang bansa ay nandoon. Hindi inasahan ni Elena na ganon kadami ang taong masasalamuha niya sa gabing iyon. Pagpasok palang niya sa malaking bulwagan ay agad nagkislapan ang mga camera sa harapan. May mga media at reporter na nag aabang sa kung sinumang papasok sa loob. May red carpet sa gitna at parang gusto niyang maasiwa dahil ngayon lang siya nakadalo ng ganito kalaking pagtitipon. At dahil nga pinaghandaan naman niya ang gabing ito ay nagpasalon pa siya kanina at namili ng damit. She wore a red long dress that has slit up above her legs. Kita ang kurba ng makinis niyang hita at maliit niyang bewang. Pati ang kanyang buhok ay tuwid na inipon sa likod at nilagyan lang ng

