EPISODE 47

3005 Words

Nakauwi na sila sa bahay. Actually ay lumipas na ang isang araw mula nang makauwi sila. Pagkatapos tumila ang ulan kinabukasan ay umuwi din sila nang hapon. Hinatid sila ni Alvin sa bahay nila at ang anak niya ay ayaw pa sanang umuwi. Gusto nitong magpaiwan sa daddy nito pero hindi siya pumayag. Kahit pa nagkakausap sila tungkol kay Matty ay ayaw naman niyang malayo ang bata sa kanya ng ilang araw. Atsaka malamang ay busy na ang lalaki sa kompanya nito. Nasa kusina siya ng mga oras na iyon at nagluluto ng agahan. Maaga siyang nagising dahil ang totoo ay parang hindi siya makatulog. Sa tuwing pipikit si Elena ay ang eksena sa kwarto ni Alvin ang nakikita niya. Di yata't na engkanto na siya sa nangyari sa kanila! Paulit-ulit ba namang mag replay sa utak niya ang mukha niyang nasasarapan!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD