NASA BAHAY NI ALVIN SI MATTY. Ilang oras na ang lumipas nang makaalis ang mag ama dahil hiniram ni Alvin ang anak niya. Isang araw lang naman daw at uuwi din sa gabi. At dahil naisipan niyang magpasalon ng buhok sa araw na iyo ay pumayag naman siya. Ihahatid lang naman daw nito mamaya. Gumayak na si Elena para magpunta ng salon dahil magpapa trim siya ng buhok at magpapakulay na rin. "Sayang naman 'tong hairlalo mo madam, Sobrang lambot." sabi ng baklang nag trim ng buhok niya. "Okay lang, tutubo din naman yan ulit." sagot niyang nakangiti. "Sabagay.. Maganda ka naman madzam kahit anong buhok." puri pa ng bakla. Nang matapos niyang nagpa trim ay nagpa hair treatment din siya. She wanted to pamper herself since hindi niya ito madalas ginagawa noong nasa New Zealand siya dahil busy

