Halos patalon na tumakbo si Elena mula sa kama ng makaramdam ulit siya ng pagkasuka. Mabilis siyang pumunta sa sink at doon nilabas ang kinain niya kagabi. Halos masuka na niya pati mga bituka pero hindi parin siya matigil sa kakaduwal. Matapos iyon ay naghilamos siya ng mukha at tumitig sa salamin. Malakas ang kabog sa dibdib ni Elena at alam niya kung bakit. Nitong mga nakaraang araw ay palagi siyang nahihilo, nasusuka at sensitive siya sa lahat ng naamoy. Kinakabahan siya dahil naranasan na niya ito dati. Noong pinagbubuntis niya si Matty. Palagi niyang iniiwasang isipin ang katotohanan pero ngayon ay mukhang kailangan na niyang harapin. Nanginginig ang kamay niyang bumalik sa mesa at kinuha ang binili niya kahapon sa drug store. Pregnancy test kit, kahit alam na niya at malakas ang k

