HABANG nakatitig ako sa maamong mukha ni Pierre na natutulog at nakahiga sa dibdib ko, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa akin, sa amin. Natatakot akong matulog dahil baka sa pagmulat ng mata ko ay maglaho siya. How could everything turn around in full in just a matter of two days and one night? Kahapon lang ng umaga ay tumatakas ako sa kanya ngunit ngayon natatakot na akong mawala siya? Kanina lamang ay nagagalit ako na nalaman niya ang lihim ko ngunit ngayon ay gusto ko siyang tanungin kung totoo bang tanggap niya ang nakaraan ko. Kaya ba talaga akong mahalin ng isang kagaya niya? I scolded myself not to overthink. Nanamnamin ko muna ang kaligayahan ko ngayon. Minsan lang ang ganito at hindi ko rin alam kung magtatagal kaya’t susulitin ko na. He st

