Three days went by in a blur because we were busy. Hindi lang ang bahay ang inasikaso namin kung hindi ang buong Rancho. Inililista ang mga kailangang palitan at ang mga gamit na bibilhin. Gamit ang dala kong hagdanan, nabaklas ko na rin ang ilang kisame na maaring bumagsak sa main house. Luma man ang mala-mansyong bahay ay naging maaliwalas na itong tingnan nang malinisan. Dalawang araw pa bago dumating ang mga trabahador na mag-rerenovate ng bahay. Ang foreman naman na nakuha namin ni Luis ay nagpunta isang araw na ang nakalipas upang makapag-estimate na rin ng mga mas teknikal na bagay gaya ng kung ilang yero, kahoy, semento at kung anu-ano pang gamit ang kailangan bilhin. Ang mga muwebles naman at fixtures ay sa isang linggo na darating. More than anything, spending time wit

