HINDI ko alam kung dapat ba akong mabahala dahil sa pangalan na iyon. Sa parking lot ay hindi naman pala ako ang tinatawag, ipinagpalagay ko na lang na hindi nga ako kaya’t hindi ko pinansin ang tumatawag sa pangalang Nikki. “Nicollete Saragoza? Nikki? It’s me, Janice, your classmate from Highschool.” Hindi ko alam kung anong una kong naramdaman, ang panlalamig ba ng buo kong katawan o ang malakas na kaba na dumagundong sa dibdib ko. Nakatikom ang kamao ko nang marahang binuksan ang mga mata upang makita ang taong tumatawag sa pangalang kinasusuklaman ko. Naupo ako ng tuwid at hinarap ang gumambala ng mapayapa kong umaga. “I’m sorry, Miss. I don’t think you have the right person. I’m Ramona, not Nicolette.” May diin kong sagot sa isang babaeng nakadamit pang-opisina. Ma

