NANG mahimasmasan na ‘ko ay binuksan ko na isa-isa ang mga paper bags. Tama nga ang hinala ko, puro mga dress ang pinili ni Pierre ngunit bukod sa fitted ang mga ito, halos lahat ay mahaba hanggang lagpas tuhod. Long sleeves at short sleeves ang mga manggas. Lahat din ng damit ay mataas ang neckline. Takot na takot ba ang mapapangasawa ko na ginawin ako? Bukod sa pagiging conservative ng mga damit, stylish ang mga ito at may magagandang pattern at kulay. Tama siya, halos pare-parehas lang ang mga damit. Ang accents lang ang halos nag-iba maging pattern at texture ng tela. Ang nakita kong pinaka-daring ang sinuot ko. Hindi dahil gusto kong mang-akit kung hindi dahil gusto kong ipakita na mas gusto ko ang hindi masyadong balot ang katawan. Kung nasa loob lang ng airconditioned room ay

