Pagbalik namin sa dining table ay si Pierre na rin ang nag-assemble ng dessert. Mukhang sanay din talaga siya sa kusina dahil expert ang pag-plate niya ng aming strawberry topped pancake with vanilla ice cream and strawberry syrup. We ended up finishing everything that I prepared. Maging ang white wine ay naubos namin kaya’t nang matapos naming mag-dessert ay pakiramdam ko ay nagsisimula na akong mahilo. Iba ang epekto ng wine kaysa champagne marahil dahil mas mabilis akong tumira ng champagne sa party na ginawa kong tubig o marahi dahil may bubbly effect ang champagne kaysa wine. Sa white wine ay siniguro rin ni Pierre na paunti-unti lang ang pag-inom ko. Abala rin naman kami sa pagkain at pagkukwentuhan kaya’t hindi ganoon kabilis ang pag-consume ko ng alcohol. “Thank you for th

