KABANATA 18

1335 Words
"YAYA, I want a power hug," nakanguso at puno ng lambing na sabi ni Alessandra kay Ianah sa umagang ito. Narinig at naabutan naman iyon ni Gerode habang nasa may pintuan na siya ng mansion. 'I want it also!' usal niya sa isip. "Damn it, I can't believe that a day will come that I will get jealous of my own daughter," mariin at mahina niyang usal sa sarili. "What are you mumbling, Dad?" boses ni Alisha ang narinig niya mula sa likuran. Halos mapatalon siya sa gulat, mabuti na lang at agad niya itong napigilan. Tumikhim siya. "Nothing," maiksing tugon niya. "Good luck sa exam niyo, young lady and young master," nakangiting sabi ni Ianah sa kambal. Tipid lang na tumango si Allendrex, habang nakayakap nang mahigpit at nakangiting tumango si Alessandra. "Tsk," asik ni Alisha sabay nilagpasan lamang sila. "Ikaw din, young lady Alisha," pahabol na sabi ni Ianah. Hindi naman siya sinagot ni Alisha at tila walang narinig na diretso lang itong pumasok sa loob ng SUV. Pumasok na sa loob ng van ang kambal. Inayos muna niya ang pagkakasuot na kanilang mga seatbelt bago bumaba. Hindi kasi siya makakapaghatid sa kanila sa paaralan ngayon dahil kailangan niyang puntahan si Manang Julie at kamustahin ito. "Mag-ingat kayo,ha. Susunduin ko kayo mamaya," nakangiti niyang paalala sa mga bata. Nakangiting tumango si Alessandra, samantalang hindi naman siya pinansin ng dalawa. Halatang inaantok pa si Allendrex kaya wala sa mood, habang si Alisha naman ay halatang mainit pa rin ang dugo sa kaniya. Maingat niyang isinara ang pinto, saka umandar na ang SUV. Iniwinagayway niya ang kamay hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya. "Where's my goodluck, too?" mahinang bulong ni Gerode mula sa likod niya nang makalapit ito sa kaniya. Napatigil si Ianah at gulat na lumingon rito. "P-po?" hindi makapaniwalang usal niya. "I want my good luck too, Ianah," mahina at mababa ang boses na sabi ni Gerode sa kaniya. Agad na tumindig ang balahibo niya sa pagtawag nito sa pangalan niya. Kahit ilang beses na siyang tinatawag ni Gerode sa pangalan, simula nang biglang magbago ang pakikitungo nito, hindi pa rin niya magawang masanay at hindi niya mapigilan na makaramdam ng goosebumps. Naguguluhan siya sa mga kinikilos nito, pero wala siyang lakas ng loob para magtanong. Iniisip na lang niya, baka nagustuhan na rin siya nito—pero bilang Yaya lang. Tumikhim siya at umayos ng tayo. "G-goodluck po, Sir," pabulong niyang sabi kay Gerode. Siya na rin mismo ang nagbukas sa pinto ng naghihintay nitong sasakyan. "What a gentlewoman," may sarkastikong komento ni Gerode sa ginawa niya. Tipid lamang siyang ngumiti at hindi na pinansin ang sinabi nito. "Take care on your outing today. Call me if there's something happen," bilin nito sa kaniya. "Or what if I'll just fetch you?" dagdag nitong suhestiyon. Tarantang umiling siya. "Hindi na po, Sir Gerode. Nakakahiya naman," magalang niyang pagtanggi. "Psh, what a cold-hearted woman," busangot na sabi nito. Naiilang siyang napailing. "Sorry po," nahihiyang usal niya. "H-hey, I'm just kidding," agad na bawi ni Gerode, halatang kinabahan. Bahaw na napatawa ng mahina si Ianah. "Gano'n po ba? Ayos lang po," nakangiti niyang sagot. Nakangiwing napailing-iling si Gerode. "Jus-" hindi natapos ang sasabihin nito nang makita nitong nakatingin si Lea sa kanila mula sa may b****a ng mansion. "I'll go ahead, Ms. Gamboa," pormal at seryosong paalam ni Gerode kay Ianah. Bahagyang nagulat si Ianah sa biglang pagbabago ng inasta nito, ngunit nang mapagtanto na baka nga may ibang tao—gaya ng nakasanayan niyang makita rito. Tipid lang siyang tumango. "Ingat po kayo, Sir Gerode." Tuluyan nang pumasok sa loob ng sasakyan si Gerode at inunahan siya nitong mag-sara ng pinto. Nang tuluyang makalayo ang sinasakyan nito, bumuntong hininga siya at pumasok na sa loob ng mansion para makapaghanda sa magiging lakad niya. "Anong sinabi ni Sir Gerode sa'yo, Aya? Mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan niyo," mahihimigan ang pag-aalala sa boses ni Lea nang makalapit siya rito. "Sinabi niya lang na umuwi ng maaga at huwag kalimutang sunduin ang mga bata," pagsisinungaling niya Ianah. 'Sorry, Lea,' nako-konsensyang sabi ni Ianah sa isip. "Gano'n ba? Akala ko na naman nagiging suplado na naman siya sa'yo," sabi ni Lea. Isa kasi si Lea sa mga nakakasaksi sa pagbabago ng pakikitungo ni Gerode kay Ianah. Akala ni Lea ay pinag-iinitan na masyado ni Gerode si Ianah dahil palaging pinupuna ang ginagawa nito at naging malamig ang pakikitungo. "Nga pala, mag-ingat ka sa lakad mo," paalala ni Lea kay Ianah. Ngumiti si Ianah at tumango. *** "WHAT THE HELL kuya?! Ano itong narinig kong may gusto ka sa ibang babae, at sa bagong Yaya pa ng mga pamangkin ko?!" malakas na singhal ni Geraldine, ang nag-iisa at nakakabatang kapatid ni Gerode. Kapapasok lang nito sa loob ng opisina ni Gerode. Napatingin si Gerode sa likuran ng kaniyang kapatid. Nakita niya ang stress at kinabahang mukha ng sekretarya. Halatang pinilit nitong pigilan ang kapatid niya. "I'm sorry, Mr. De Guzman, I tried to stop her, but I failed," natatakot na paliwanag ni Colleen. "Excuse me?" pasinghal na hinarap ni Geraldine si Colleen. Bumuntong-hininga si Gerode at pinaalis na ang sekretarya. "What are you doing here?" walang emosyon na tanong niya sa kapatid. Humakbang si Geraldine at tinignan siya nang may galit. "Really, kuya? Bawal na ba akong pumunta dito? And what the heck? Are you out of your mind? Ilang taon pa lang matapos mamatay ang kaibigan kong si Yesha, and now, malalaman kong nagkakagusto ka na sa iba? At Sa yaya pa talaga?" hindi makapaniwalang sagot nito. "I can't believe how your standards are stooping so low!" iritado nitong dagdag. Hinilot ni Gerode ang sentido. "You're disturbing the worker here, Geraldine. You're not young enough to not realize how you're acting like an immature brat," nauubos ang pasensya niyang sabi. "Wow! Ako pa ngayon ang umaktong immature? I am just here to knock some sense into that skull of yours, kuya, na sa dami pang pwede mong ipamalit sa asawa mo, eh sa taong mukhang pera pa talaga. A gold-digger w***e!" punong-puno ng insultong sabi ni Geraldine. Mabilis na nagpanting ang tainga ni Gerode. "One more insult to Ianah that comes out of your mouth, and I won't show any mercy—even to you, Geraldine!" malakas na sigaw ni Gerode, halos dumagundong na parang kulog ang boses niya sa loob ng opisina. Hindi siya papayag na may mang-insulto sa babaeng mahal niya—kahit pa sariling kadugo o kapatid niya. "You don't even f*****g know her. So leave, before I lose the last thread of my patience, or I'll have the security drag you out," mariin at punong-puno ng banta niyang sabi. Sarcastic na bumuntong-hininga si Geraldine. Umiling-iling habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Gerode. "I really can't believe you that you could do this to me, Kuya. Just because of some lowly b***h, you're treating me this way?" mariing usal ni Geraldine. Tuluyang naubos ang pasensya ni Gerode. Dinampot niya ang telepono at agad na tinawagan ang security. "Really? Magagawa mo talaga akong ipakaladkad para lang sa babaeng iyon?" galit na singhal ni Geraldine. "Miss De Guzman, ihahatid na po namin kayo sa kotse niyo," magalang na sabi ng kararating na security guard. Akmang hahawakan nito sa braso si Geraldine nang marahas na iniwaksi nito ang braso. "Don't even think for a second that I'll keep my mouth shut about this, Kuya. I swear on Yesha's grave—I will never support your relationship with that w***e!" nanggagalaiting sigaw ni Geraldine bago tuluyang lumabas ng opisina. Nang tuluyang nakaalis na si Geraldine, napamura na lamang si Gerode sa matinding inis at galit. "Mi-mister De Guzman, I'm really sorry po," paghingi ng tawad ng kapapasok lang na sekretarya. Hindi niya ito sinagot. Tumayo lang siya at marahas na inayos ang suot na suit. "Banned her. Don't ever let her in again—or I'll fire you and those incompetent security guards," malamig at puno ng pagbabanta niyang sabi bago tuluyang nilagpasan ang namumutla na sekretarya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD