Mabilis niya akong dinala sa kaniyang bahay pero hindi ako natutuwa. Ang sabi ko ay matutulog ako pero bakit naman dinala niya ako sa bahay niyang sobrang lawak? Ang malala pa ay may bahay pala siya rito sa United States of America. Hindi ko nga alam kung sinadya niya ba ito o talagang may bahay lang siya rito dahil nga may mga illegal transactions din siya sa iba't ibang bansa. Habang siya ay nagluluto, nakatingin lang ako sa kaniyang likuran at nahagip ko ang isang earpiece na transparent sa kaniyang tainga. Hindi ko alam kung para saan ito pero bahagya akong natigilan dahil parang pamilyar sa akin iyon. Madalas akong manood ng mga action movie nang magsimula akong mag-aral dito sa America. Mahilig din kasi si Sabrina na manood nang ganoon kaya wala talaga akong choice kung hindi makin

