Chapter 4

1214 Words
It bothers me. Hindi ko alam kung bakit nagpakita sa akin iyong lalaking iyon but I hate it. Sana hindi na lang siya nagpakita. I know, he's handsome. Fcking handsome that can make my legs shake. Ngunit hindi dapat ako nagpapadala roon. Oo, ang ganda ng haba at straight na buhok niyang hanggang kilay. Makapal ang pilik mata at kilay niya. Ang tangos din ng kaniyang ilong at ang ganda ng pulang labi niya. Sobrang sharp din ng panga niya kagaya sa mga nababasa kong libro. Maganda rin katawan niya dahil kahit naka itim na shirt lang siya na sobrang hapit sa katawan niya halatang-halata mo talaga iyong muscles niya. Pero kagaya nga ng sinabi ko, hinding-hindi ako magpapadala roon kahit sayawan niya pa ako ngayon mismo. He's handsome, yes. Hindi ko naman ikinakaila iyon pero hindi ibig sabihin no'n ay mahuhulog na ako sa kaniya. Ang weird nga niya tapos magugustuhan ko siya? "Fiona," tawag sa akin ni Karina. Napailing na lang ako sa aking isipan at mabilis na lumingon sa aking kaibigan na ngayon ay nagtataka. Kanina pa kasi ako tulala dahil hindi ko makalimutan ang lalaking iyon. Ni hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa kaniya. Idagdag mo na rin iyong nawawala kong mga alaala nang magpunta kami ni Karina sa bar tapos iyong araw na napunta ako sa ibang condo. Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin iyon ngunit kahit na ganoon ay sinusubukan ko pa ring mag-focus sa pag-aaral. Hindi kasi makakatulong sa akin ang pag-aaral na may mga iniisip na kung ano. Ayaw ko pa man ding bumagsak. Iyon pa naman ang kinaiinisan ko. Thankfully, never naman akong bumagsak. Kayang-kaya ko pa rin namang makipagsabayan. Well, ewan ko lang ngayon dahil ire-release na anman ang grades namin sa portal. "Nag-loading na ba?" tanong ko sa kaniya at nilingon siya. Hindi ko napapansin na natutulala ako. Mabuti na lang talaga at tinatawag ako ni Karina kapag nangyayari iyon. Marami kasing tumatakbo sa isipan ko kaya madalas iyon mangyari. Sa dami ba namang nangyari sa buhay ko nang hindi ko man lang matandaan at magugulat na lang ako sa sasabihin ng ibang tao sa akin, paano ko iyon makakalimutan, hindi ba? "Oo, pasado ako," saad ni Karina. "Kanina ko pa sinasabi sa iyo na pasado ako tapos hindi ka man lang nagsasalita. Tulala ka talaga. May iniisip ka ba?" Natigilan ako sa kaniyang tanong dahil palagi talaga akong may iniisip lalo na iyong part na wala talaga akong maalala. Ilang beses na itong nangyari sa akin at hindi ko alam kung ilang ala-ala pa ba ang aking nakakalimutan. Gusto kong sabihin sa kaibigan ko ang aking mga problema pero ang tanong ay kung maiintindihan kaya niya? Wala akong alam sa nangyayari sa aking katawan. Lahat ng ginagawa ko ay hindi ko natatandaan lalo na kapag nakakatulog ako. Hindi ko man maintindihan ay natatakot ako. Possible na may nangyayaring sleep walking pero hindi ko nga lang sigurado dahil hindi ko naman alam o nakikita ang aking sarili. "Wala naman. Natutulala lang ako kasi kinakabahan ako sa grades ko," saad ko para iligaw na lang ang topic. Ayaw ko kasing nag-aalala siya sa akin. Ayaw kong isipin niya rin na baliw ako kung sasabihin ko sa kaniya kung bakit palagi akong tulala. Wala namang maniniwala sa akin, eh. Kaya bakit ko pa gagawin? Nang sabihin niyang puwede na akong mag-log in ay ginawa ko. Halos manginig at manlamig ang aking mga kamay habang hinihintay na mag-loading ang website. "Baka bumagsak ako," saad ko at sapat na iyon para marinig niya ang aking sinasabi. Tahimik kasi rito sa library. Kaya kahit gaano pa kaliit ang boses ko ay maririnig niya dahil hindi naman bingi si Karina at hindi naman siya nakasuot ng earphones. Kung tutuusin nga ay maririnig mo rin iyong tugtog ng isang earphone kung sakali, eh. "Hindi ka babagsak. Ang ganda ng exams mo last week," pagpapagaan niya sa akin. Ngunit kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon ay nanginginig talaga ang mga kamay ko. Kaya lumingon ako sa aking kaibigan na ngayon ay hinahaplos niya ang aking balikat. "Pero kasi, Karina. Ang baba ng mga score ko sa quiz. Baka bumagsak talaga ko. Malaki pa naman ang puntos ng mga iyon. Pati na rin iyong activities natin." Nitong mga nakaraang araw kasi ay talagang bumagabag sa aking isip ang lahat. Kaya ninenerbyos talaga ako lalo na ngayon. Sobrang bilis nga rin ng kabog ng aking puso at halos hingalin na ako. Para nga akong tumakbo nang ilang milya kung tutuusin, eh. "Hindi iyan. Maniwala ka sa akin," saad niya. "Basta kapag pumasa ka, punta ulit tayo ng bar para mag-celebrate!" Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang iyon ang kaniyang sinasabi. Wala kasi talaga akong balak dahil kung anu-ano na ang nangyari sa akin nitong mga nagdaang araw. Gusto kong umiling at huwag pumayag kaya nag-isip na ako ng puwedeng irason. "May pupuntahan kasi ako—" "I apologize for interrupting you ladies, but this woman are coming with me," saad ng isang lalaking umakbay sa akin. Nakita ko namang natigilan si Karina sa kaniyang narinig nang magsimula akong itangay ng lalaking kasama ko ngayon. Hawak niya ang aking kamay at hindi man lang ako makaangal sa kaniyang ginagawa. Kaya dahil sa inis ko, hinila ko ang aking kamay para pigilan siya sa paglalakad at paghila sa akin. "Who the fck—" Lumingon siya kaagad sa akin at doon ko nakita ang kaniyang mukhang pamilyar at mga seryosong mga mata. Hindi ko alam kung bakit parang tumigil ang mundo ko nang magtama ang aming mga mata at bahagya ko pang nahigit ang aking hininga. Nagsimula ring kumabog nang malakas ang aking puso na para bang may sinasabi sa akin na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung ilang minuto kami nagtitigan hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakikipaghalikan sa lalaking ito. Terrence. Naramdaman ko ang malambot na upuan at ang hula ko ay nasa loob na kami ngayon ng kotse. Hindi pa rin napuputol ang halikan namin lalo na nang pumasok siya sat tuluyan akong ipinahiga sa upuan. Sa pagkakaalam ko ay nasa backseat kami pero dahil masyado na akong nalulunod sa kaniyang banayad na halik, hinayaan ko na lang ang aking sarili. Sinubukan niyang ipagparte ang aking mga hita para isiksik ang kaniyang sarili rito habang suot-suot ko pa rin ang aking uniform. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kaniyang marahang kagat sa aking ibabang labi na naging dahilan para ako ay mapasinghap sa gulat. Ginamit niya naman ang pagkakataong iyon para ipasok ang kaniyang dila sa aking bibig para makipaglaro sa aking dila. Pasimple kong nasabunutan ang kaniyang mahaba at magandang buhok hanggang sa pakiramdam kong mauubusan na ako ng hininga. Ngunit hindi pa rin siya tumigil hanggang sa sinubukan ko siyang ilayo. "Stop," bulong ko pero hindi siya tumigil. Ang kaniyang kamay ay napunta sa aking dibdib at marahang hinimas ang bagay na aking iniingatan. Hindi ko naman alam kung bakit ako napaliyad at napaungol sa kaniyang ginawa. Pakiramdam ko rin ay may nabubuong kung ano sa aking puson kaya ako ay napatigil sa pagsagot sa kaniyang matamis na halik. "Hindi ako makapaniwalang tumakbo ka pagtapos nating gawin iyon, Tasia," bulong niya sa akin bago niya sinimulang halikan ang aking leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD