"Stop!"
Pumagitna si Mr. Miller sa pagitan nilang dalawa ni Ace at Jacky.
Bago pa nakapag salita si Ace ay iwinawagayway na ni Jacky ang supreme card sa hangin para ipakita kay Mr. Miller!
"Mr. Miller, look! He stole a card from VIP room."
Mapang asar ang ngiti niya nang sinabi niya sa manager ang paratang niya tungkol kay Ace.
Tiyak niyang matutuwa si Mr. Miller sa kaniya dahil napigilan niya ang tangkang pagnanakaw ni Ace.
Maraming awtoridad ang dumating galing sa eastern district at ibat ibang branch ng Apex sky bank. Pagdating nito sa kanilang quarters ay humanga ang mga ito sa kaniya, kaya umaasa siya ng malaking promotion. Malayo na ang tinakbo ng imahinasyon ni Jacky at nangangarap ng gising sa posibleng magandang kinabukasan na naghihintay sa kaniya.
Kanina pa medyo malungkot tingnan ang mukha ni Mr. Miller, ngunit habang nakikita niya ang mga ginagawa ni jacky, unti unting nagdidilim ang expression sa mukha niya.
Bago pa malaman ni Jacky kung bakit, nagulat siya sa biglang pagsabog ni Mr. Miller, dahilan para manginig ang buo niyang katawan.
"Let go of Mr. Wattson"
Habang sinisigawan niya si Jacky ay hinablot niya sa kamay nito ang supreme card. Dahil sa sobrang takit ni Jacky ay binitawan niya si Ace.
Tinulak siya ni Mr. Miller sa isang tabi at pinulot nito ang nahulog na card.
"Mr. Wattson here is your card, i'm very sorry hindi ko na train ng maayos si Ms. Jacky. I do apologize"
Bakas sa expression ng mukha ni Mr. Miller ang magkahalong pag galang, pagka pahiya at pagkabalisa. Habang nagtatakang nanonood ang ibang mga costumer sa bangko.
Natigilan si Jacky at nagulat, nanglaki ang kaniyang mga mata sa ginawa ni Mr. Miller
"Sa kaniya kaya ang supreme card na iyon?" tanong niya sa sarili.
Kahit anong pilit niya ay hindi niya parin naiintindihan kung ano ang mga nangyayari.
Kung siya ang may ari nang supreme card na iyon, then dapat meron siyang atleast thirty million pesos. Gayunpaman ay nagtataka pa rin siya kung paano mangyayari yun gayung nasa mid twenties pa lang ito.
Isang pulubi at lower class na tao ay magkakaroon ng ganoon kalaking halaga ng pera? No! malabong mangyari iyon.
"Hindi mo naman kasalanan yun Mr. Miller." Paniniguro ni Ace sa kaniya pagkatapos ay ibinalik ang card sa kaniyang bulsa.
"Thank you Mr. Wattson"
Yumuko si Mr. Miller para magpasalamat bago umayos at pasigaw na pinagalitan si Jacky.
"Ano pang tinatayo tayo mo diyan? humingi ka ng tawad kay Mr. Wattson ngayon din."
Inisip ni Mr. William kung bakit hindi pa rin maintindihan ni Jacky na ang binatang nakatayo sa harap nila ay seryosong mayaman at kailangang tratuhin nang may paggalang.
Agad na yumuko si Jacky at humingi ng tawad kay Ace.
"Mr. Wattson, i'm very sorry! for my rude behaviour. I made a mistake sa pagiging bastos ko. Sorry sa pagkakamali ko. It was my fault, and i will reflect on my behaviour...."
Hindi siya pinansin ni Ace at umalis na ito.
"Mr. Wattson!"
tinawag siya ni Mr. Miller
"If you ever need anything, just give me a call, and i'll do my best to help".
Sa pagkakataong ito nasasabik si Mr. Miller sa opportunity na maaari niyang makuha. Bihira lang makatagpo ng napakahalaga at napaka importanteng tao tulad ni Ace, so he shamelessly tried to charm him.
"Okay! William"
Bahagyang ngumiti ng kaunti si Ace sa kaniya. After all, denipensahan pa rin naman siya ni Mr. Miller.
Ang pagtawag nito gamit ang kaniyang unang pangalan ay nagbibigay kay Mr.William ng kakaibang pakiramdam.
Isa sa pinaka mayamang tao sa mundo ay tinawag lang siya sa kaniyang unang pangalan. Napaka simple manamit at mahirap tingnan, ni hindi nagpapakita ng maski katiting na pagmamataas.
Umalis na si Ace at lumabas ng bangko pumara siya ng taxi para sumakay pabalik ng Preston University. Pagpasok niya sa loob ng university building ay aksidente niyang natapakan ang isang lusak dahilan ng pagkakaroon ng maraming putik sa kaniyang mga binti.
Tiningnan niya ang relo niya at nagmamadaling pumunta sa classroom, pagpasok niya sa loob ay nakatayo na si Mr. Moral sa harap ng White board at nagsisimula nang mag lecture nang nakita niya sa gilid ng kaniyang mga mata si Ace. Bakas sa kaniyang mukha ang disappointment.
Nagi guilty si Ace kaya naka yuko siyang pumasok, sa lahat ng mga guro si Mr. Moral pa naman ang pinaka paborito niya. Dahil hindi siya pinapansin ng ibang guro dahil sa wala siyang pera, at kinukutya pa siya ng mga ito. Si Mr. Moral lang ang nagtrato sa kaniya ng maayos katuladng mga ibang estudyante. Tahimik na pumasok sa loob si Ace, at aware siya na nakatingin sa kaniya ang lahat ng mga estudyante, dinig rin niya ang mga bulungan nito.
"Hindi naman siya usually nalalate sa klase." bulong pa ng isa niyang ka klase.
"Look at his pants! ang dumi. Wala ba siyang ibang malinis na damit?" Sagot naman ng isa.
"Are you joking? mukha ba siyang may pambiling pera? parang pinulot lang naman niya iyan kung saan itinapon."
Sabat naman ng isa pa niyang kaklaseng lalaki.
Patuloy na nagbubulongan ang mga kaklase niyang lalaki. At pati ang mga babae sa front row ay nakikisali na rin, tinakpan nila ng kanilang mga kamay ang kanilang mga bibig habang nagbubulongan. Kumislap ang mga mata nila sa panghahamak kay Ace.
"Stop talking"
malakas na sabi ni Mr. Moral
"And pay attention".
Sa kabuuan ng klase napansin ni Ace si Mr. Moral na palaging sumusulyap sa kaniya. Puno ng disappointment ang kaniyang mga mata na para bang nabigo si Ace na ma meet ang kaniyang expectations. Hanggang wakas ay natapos na din ang kanilang klase.
"Class dismissed" dinala na ni Mr. Moral ang kaniyang mga aklat at umalis sa klase.
"Katherine!" tawag ng tinig na nagmula sa pintuan.
Lumingon lahat ng estudyante sa pintuan kung saan nanggaling ang tinig at nakita si Willie na naglalakad papasok sa loob deretso sa kinaroroonam ni Katherine na nakaupo sa tabi ng bintana. Tumayo si katherine at niyakap si Willie at hinila ito palapit sa katawan niya. Yumuko si Willie para maabot siya ni Katherine, at nagsimulang maghalikan ang dalawa sa harap ng marami. Wala silang pakialam kung may nakatingin O nanonood sa kanilang dalawa.
Maraming mga estudyante ang nakatitig kay Ace. Ang alam nang lahat ay siya ang boyfriend ni Katherine, hindi nila alam na nakipag hiwalay na pala ito sa kaniya.
Nasusuklam na nanonood lang si Ace sa dalawa.
Narinig niya na si Willie ay kumukuha ng hindi bababa sa limang babae para makasama mag stay sa hotel.
Si katherine ay isa lang sa bagong mga babaeng naka lista at nakapila sa mga listahan ni Willie sa mga babaeng paglalaruan niya. Walang intensiyon si Ace na ipaglaban si Katherine.
Dumaan si willie sa harapan ni Ace at pinapakita niya ang paghawak niya sa mga balikat ni Katherine papuntang beywang nito at niyakap ng mahigpit para inggitin si Ace.
"Darling wait a minute"
Sabi ni katherine na huminto sa harapan ni Ace at kinuha ang kaniyang cellphone.
"Since were broken up, i don't want to owe you anything. Ito yung telepono na binili mo at binigay sa akin a few weeks ago. You can have it back". Mapag mataas na sabi ni Katherine.
Tinitigan ni Ace ang Samsung galaxy Note na binili niya at binigay dito at kinuha niya.
"Hah! kahit magtrabaho ka pa ng part time ng anim na buwan hindi ka makaka afford nito". kinuha niya ang bagong brand new cellphone at pinapakita kay Ace.
"This is the latest iphone. Iphone 13 pro max and it much better than your phone." Pagmamayabang pa niya.
"Of course, it's far too expensive for a loser like him". sabi pa ni Willie.
"Sinabi sa akin ni Katherine na umabot pa ng six months na patuloy niyang hinihiling sa iyo ang cellphone na 'yan bago mo tuluyang nabili para sa kaniya." Dagdag pang iinsulto pa nito.
"Akala mo ba makakakuha ka ng babaeng hindi mo katulad? You're just embarrassing yourself, kaya sumuko ka na. And i'm warning you now! wag mo na siyang isipin. Kapag nalaman ko na lumalapit ka pa sa girlfriend ko, you'll regret it!" pagbabanta pa ni Willie.