"I have work now, love!" biglang sulpot niya. Isang linggo na ang nakalipas magmula ng bumalik kami mula sa Florida. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya. "Love, sinabi ko naman sa'yo na ikaw na lang ang magmanage ng condominium natin." Inayos niya ang coat ko at ngumiti. "Gusto kong magtrabaho sa ibang kompanya, Red. 'Yong totoong trabaho." Sabi nito. Ngumuso ako at niyakap siya. "H'wag kang maghanap ng iba do'n ah?" tumango siya. "Bakit pa ako maghahanap? Ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama." "Siya nga pala, do you want to visit your dad next week? Birthday niya 'di ba?" humarap siya sa'kin at piningot ang tenga ko. "Aww! Love!" "Kinausap mo siya nuh?!" minsan inaaya ako ni Don Miguel na magkape para kamustahin si Whisper. "Love, nagsisisi na siya. Kailangan mo na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


