"Whisper! Saan ka nanggaling ha? Lagi ka na lang umaalis ng bahay! Umuwi na ang fiance mo, napagod kakahintay sa'yo!" 'yan ang bumungad sa'kin pagdating ng bahay. Blangko akong tumingin kay Dad habang ang mukha niya ay kumukulubot ang noo kakasinghal sa'kin. Dumeretso ako ng lakad at hindi siya pinansin. Sisiran niya lang ang araw ko. "Whisper! Can't you hear me?" kinuha ko ang cellphone at tiningnan kong may message galing kay Red. Ngumiti ako ng makitang may isa. Red: Text me kapag nakauwi ka na:) Dali-dali agad akong nagreply sa mensahe niya. Me: Just got home. How about you? Where are you now? Nagbihis muna ako ng pangbahay bago humiga sa kama. Red: Good. I'm at the condo now, I'm with the investigator. Me: Hindi ba ako nakakaistorbo sa'yo? Mabilis siyang magreply k

