Chapter 33 BRIELLE… MAY SA DILANG angle yata ako, kasi nangyari nga ang sinabi ko kay Bullet. Sa sumunod nga na buwan, I learned that I was pregnant again. At ang bilis nang panahon, hindi ko namamalayan na ilang araw na lang na naman ang hihintayin ko para malaman kung ano ang gender ng anak namin. But Bullet is insisting that we’re having another boy, at malakas nga raw ang kutob niya na lalaki ang susunod namin na anak. Simula rin nang malaman namin na buntis ako ulit, madalas na nga na nasa bahay si Bullet at inaalagaan niya ako at si Tracer. Kahit pa hindi naman kasing selan ng pagbubuntis ko ngayon ang pagbubuntis ko noon kay Tracer. “Bullet, do you have any news about my parents?” out of the blue bigla kong naalala ang Mommy at Daddy ko. Wala namang araw na hindi ko sila naaal

