Chapter 17 BRIELLE… HINDI AKO kinakausap ni Bullet, mula pa kaninang tanghali. Mula nang lumabas siya ng kwarto namin, hindi na niya ako kinausap pa. Ni tignan yata hindi niya na ginagawa, basta sa tuwing titignan ko siya abalang-abala siya. “Bullet,” tawag ko sa kanya. Hindi na ako nakatiis pa, kung hindi niya ako papansinin ano na lang ang gagawin namin dito. Ano na lang ang gagawin ko dito, lalo na kung bigla na lang akong iwanan ni Bullet dito. Wala akong kilala sa lugar na ito, wala pa akong pera. Tumingin lang siya sa akin at wala pa rin balak na kausapin ako, basta nakatingin lang siya sa akin. “Sorry, kung ano man ang dahilan kung bakit hindi mo ako kinakausap.” Aniko. Again, wala pa rin siyang balak na kausapin ako talaga. Nakatingin lang siya sa akin, na parang tagusan pa

