Chapter 24 BRIELLE… NAGISING ako na bumungad sa akin ang putting kisame, at amoy ng antiseptic sa paligid. I’m in a hospital, iyan agad ang pumasok sa utak ko. “Brielle, are you okay?” tanong ni Bullet sa tabi ko. I look at him punong-puno ng pag-aalala na nakatitig siya sa akin. “Where am i?” tanong ko sa kanya kahit na may idea naman ako kung nasaan kami. Gusto ko lang naman masiguro kung tama ako ng hinala, pero hindi pa man nakakasagot si Bullet nakaramdam na ako ng kirot sa may kamay ko. When I look at my hand, may IV fluid na nakakabit sa kamay ko. Surely, nasa ospital nga talaga ako. “Nasa ospital tayo,” sagot ni Bullet sa akin. Inalalayan niya akong umupo nang makita niyang kumilos ako para makaupo. “What happened to me?” tanong ko na naman sa kanya. Nanghihina pa rin a

