Chapter 50 BRIELLE… AND JUST LIKE that okay na naman kami ni Bullet, hindi ko talaga kayang tiisin ang lalaking ito. Kahit na ang labo pa rin ng paliwanag niya sa akin, ito at okay na naman kaming dalawa. Pinili ko nang tanggapin ang paliwanag niyang Malabo pa sa sabaw ng posit. Parang kailan lang sabi ko sa kanya hate ko na siya at hindi ko siya basta patatawarin. Pero heto ako ngayon at nakadikit na naman nang nakadikit kay Bullet. Kasama ang mga anak namin na siyang dahilan niya bakit siya napasugod dito ng wala sa oras. Sa akin okay na iyon, na kahit na abala siya sa trabaho niya nagawa niyang umuwi dahil sa mga anak niya. Pero naalala ko, noong isang gabi lang nakita niya akong nakahubad nang tumawag siya sa anak ko ng video call. Hindi kaya dahil sa manyak ang lalaking ito at iy

