Nakahawak si Fairyll sa braso ni Michael habang naglalakad sila papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang Birthday party ng lolo ni Ella. Karamihan sa mga bisita ay mga kilalang mga negosyante at personalidad sa bansa. Pagpasok nila sa Function Hall marami ng bisita kaya Napahigpit ang kapit niya sa braso ni Michael dahil ito palang ang unang party na napuntahan niya simula ng dalhin siya ni Michael sa syudad. Kinakabahan siya dahil hindi siya sanay sa mga okasyon at maraming tao. napansin naman agad ito ng binata na kinakabahan siya kaya tinapik tapik nito ang kamay niya na naka hawak sa braso nito.
Relax! Wag kang kabahan nandito naman ako, hindi kita pababayaan.
Kinakabahan kasi ako Michael ito palang ang unang okasyon na napuntahan ko simula ng makarating ako dito sa syudad. Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganito diba.
Wag kang mag alala akong bahala sayo. Balang araw masasanay kadin sa mga ganitong okasyon.
Wala naman siyang sinagot kay Michael bagkus nginitian niya lang ito, bilang pahiwatig na sumasang-ayon siya sa sinabi nito na masasanay din siya sa ganitong mga okasyon.
Patuloy silang nag lakad sa gitna nga hall, hanggang sa makita na ni Michael ang lolo ni Ella, lumapit sila dito upang batiin ito.
Good evening sir, Happy Birthday.
Good evening too Michael, Thank you so much. Sabay tapik sa balikat ni Michael.
Happy birthday po. Sambit naman ni fairyll sa matanda.
Oh, Thank you. and you are?
Siya po si Fairyll, kaibigan ko. Sambit naman ni Michael.
O! Really?
Opo. Sambit ni Michael at ngumiti siya sa matanda ganon din si Fairyll ngumiti din ito sa matanda.
o siya.maiwan ko muna kayo Michael at Fairyll dahil marami pa akong bisita asikasuhin. mag enjoy lang kayo dito.
ok po sir. sagot ni Michael
Nag lakad na ang matanda sa isang grupo na naman ng mga nag uumpukang mga bisita at masayang kina usap ang mga ito.
nabigla naman si Michael at Fairyll ng may isang babaeng tumawag sa pangalan ni Michael.
Hi Michael! sabi ng babaeng papalapit sa kanila. Pag dating nito sa tapat ni Michael hulalik ito sa pisngi niya.
Oh! Hi Ella. sambit ni Michael
Hi Fairyll. Baling ni ella kay Fairyll
Hello. Kumusta ka ella?
I'm good.
Fairyll can I excuse Michael for a while?
Sure,Why not. sambit naman ni fairyll.
Nabigla naman si Michael sa sinabi niya.
Dito kalang babalikan kita. ok?
Ok.
Halikana Michael sabay hila kay Michael.
Habang hinihila ni Ella si Michael, sinusundan niya ito ng tingin. Dinala ni ella si Michael sa isang grupo na sa tingin niya ay mga negosyante din tulad ni Michael. At mukhang masaya si Michael na kausap ang mga ito.
Na iinis naman siya kay ella dahil panay hawak nito sa braso ni Michael, animoy parang tuko kung kumapit.
habang naka tayo siya sa isang sulok may dumaan na waiter sa harap niya kaya kumuha siya ng isang glass ng wine at ininom ito. Hindi nawala ang tingin niya kay Michael, pa lipat lipat ito ng kinakausap. Ilang minuto pa bumalik na si Michael sa tabi niya. Si Ella naman ay busy sa pag aasikaso sa ibang bisita.
I'm sorry! Matagal ba ako. Pasyensya kana ha.
Ok lang Michael. Na iintidihan ko.
Halika ka at ipakilala kita sa mga shareholders ng company. Sabay hila sa mga kamay niya.
Ipinakilala siya ni Michael sa mga shareholders ng company nito pati narin sa ibang mga negosyante. Masaya naman siyang kausap ang mga ito. Natutuwa din si Michael sa kanya dahil ang bilis niya makihalobilo sa mga ito.
Ilang sandali pa nag paalam muna siya kay Michael na pupunta muna siya sa CR upang mag ayos ng Make up at pumayag naman ang binata.
Pag dating niya sa CR agad niyang tiningnan ang mukha niya sa salamin, namumula na ang mga pisngi niya dahil sa alak. Alam niya sa sarili niya na lasing na siya dahil nahihilo na siya.nahihiya din naman siyang mag sabi kay Michael na kung pwedi uuwi na sila dahil pagod at lasing na siya..
Agad niyang kinuha ang kanyang foundation mula sa kanyang bag upang takpan ang mga pisngi niyang namumula. tapos nilagyan niya rin ng lipstick ang kanyang labi. Habang nag aayos siya ng sarili may isang babaeng tumabi sa kanya. Nasa mahigit 40 na siguro ang idad. Kahit may idad na ito sexy parin ito at maganda. Binalingan niya ito ng tingin at ngumiti, ngumiti din ang babae sa kanya. Pagkakuha ng babae ng lipstick nito sa kanyang bag nahulog ang panyo nito kaya dali dali siyang yumuko at kinuha ang panyo at ibinalik sa babae.
Maa'm panyo niyo po. Nahulog. Sabay abot ng panyo
Oh. Thank you. Sabay kuha sa panyo at ibinalik sa bag.
Welcome po.ibinalik niya na naman ang attention sa pag aayos ng sarili at ganon din ang babae sa tabi niya.
Habang abala siya sa pag aayos ng sarili ang babaeng katabi niya kanina ay lumabas na ng CR. Pagkalabas nito may pumasok na isang taga linis.
Ay. Sorry po ma'am. Akala ko po wala ng tao.
Ah. Ok lang. Paalis na naman ako. Sagot niya sa taga linis habang naka ngiti.
Humakbang na siya papunta sa pintuan ng CR nang tinawag siya ng taga linis.
Excuse me ma'am? Sa inyo po ba itong kwentas na naiwan? Sabay kuha sa kwentas na nahulog sa sahig.
Hindi. Sagot niya
Baka po sa ina niyo ito?
Ina?
Opo. Yong babae po na lumabas kanina bago ako pumasok.
Ah. Yon ba. Hindi ko siya ina.
Ganon po ba. Magka mukha po kasi kayo.
Talaga?
Opo.
Wala na siyang sinagot sa taga linis. Bagkos nginitian niya lang ito at umalis.
Pag balik niya sa hall nakiya niya si Michael na abalang abala sa pakikipag -usap sa mga tao roon. Habang nag lalakad siya papunta kay Michael hinahanap ng mga mata niya ang babaeng nakasama niya sa CR. ngunit hindi niya talaga ito makita. Nagtataka kasi siya sa sinabi ng taga linis na parang magkamukha daw sila. Hindi niya din kasi masyadong napansin ang mukha ng babae kanina kasi busy din siya sa pag aayos ng sarili.Pag dating niya sa tabi ni Michael ngumiti siya dito pati narin sa mga kausap nito. Dumikit ang mukha ni Michael sa tainga at ng bumulong.
Ok kalang ba Fairyll?
Oo naman.
Sabihin mo lang kung gusto mo nang umuwi. Uuwi na tayo.
Ok pa ako Michael. Medyo na hihilo lang ako. Siguro dahil sa alak. Pero kaya po pa naman. Pabulong niyang sagot dito.
Agad naman bumalik ang attention ni Michael sa mga kausap nito kanina at nag paalam na aalis muna sila saglit, sumang-ayon naman ang mga kausap nito.kaya umalis sila. Hinanap ni Michael si Ella at ang lolo nito upang mag paalam na sila. Medjo malalim narin kasi ang gabi.