Chapter 16
Sorry
Ang bilis-bilis gumapang ng galit sa buong katawan ko! Pota sila, ang gagaling nilang lahat!
Nanlalamig ako. Nanginginig ako. Parang pula na `yong nakikita ko sa buong paligid ko. Pota, pa’no na si Raven?! Tang-ina naman, okay lang sana kung ako lang `yong sirain nila, eh… si Raven na nanahimik, ginugulo nilang lahat!
Ang bigat ng dibdib ko sa sama ng loob! Ano’ng mukha na lang `yong ihaharap ko kay Raven ngayong lumabas na `tong lahat?! Ang sama-sama ko… sana, hindi na lang ako pumayag sa gano’ng set-up naming dalawa. Sobrang sama ko. Ang tanga-tanga ko. s**t, puta.
Gusto ko lang namang maranasan no’ng tao kung mamuhay nang simple, pero bakit, kailangang magka-issue kami?! Sino sila para lagyan ng label `yong gano’ng friendship na meron kami?! At tama ba’ng i-post sa f*******:?! Pota, hindi ba nila alam `yong salitang privacy?!
`Tapos, ang ganda ng nakalagay! May-December love affair daw kasi ang tanda na masyado ni Raven para sa `kin. Minor-adult daw kami. Pota, ano’ng minor-adult, eh, magte-twenty na `ko sa susunod na buwan?! Porket anim na taon `yong tanda namin sa isa’t-isa?! May malay na `ko, mga puta sila! Hindi na `ko minor!
Parang gusto ko na lang mag-disappear… hindi ko `to ginusto. Ang liit ng bayan ng Maestranza. Mabilis kumalat dito `yong balita. `Di man `yong iba gumagamit ng internet, kahit kaunti lang `yong nakakaalam, parang apoy `yan na mabilis kumalat. Kaya nga, `di na `ko magtataka kung bakit galit na galit si Glenda sa bayang `to, eh. Bawat galaw niya, alam ng lahat. Tsismis kaagad.
`Yong mga paa ko, naramdaman ko na lang na gumagalaw. Hinihila na pala `ko ni Yllena papunta sa sulok, hindi ko na namamalayan. `Di ko na nga naririnig `yong mga pinagsasabi niya dahil para akong nabingi sa lahat ng nangyayari ngayon. Exam pa naman namin ngayon, pota naman talaga!
Parang ayoko nang magpakita kailanman kay Raven, kasi ano pa `yung mukhang ihaharap ko? Nilagay ko siya sa alanganin… tapos, kilala pa `yung pamilya niya rito---
“Are you even listening?”
Ang bilis kong makabalik sa huwisyo no’ng nagtaas na ng boses si Yllena. Napakurap na ako. Nasa ginagawang bagong building pala kami. Mukhang kailangan ko talaga ng hangin dito dahil gusto kong sumigaw sa sama ng loob!
Tumakbo ako papunta sa railings. Kumapit ako ro’n nang mahigpit mismo `tapos sumigaw, “Pota kayong lahat!”
Nakakaiyak… hindi malabong malalaman `to ng mga Vergara. Nilagay ko talaga sa alanganing sitwasyon si Raven… ano na lang `yong sasabihin ng pamilya niya? Ng angkan niya? Ni siya mismo, ano’ng sasabihin niya?! Mababaliw na `ko!
“`Di ko alam kung ano’ng gagawin ko, Yllena.” Napayuko ako. “Pinahamak ko si Raven…” nanghihina na `yong boses ko.
Nangingilid pa `yong luha ko. Kung kainin man ako ng lupa ngayon, magpapakain na `ko. Gusto ko na lang mawala. Kaya ko pang saluhin lahat ng kahihiyan na ibabato nila sa `kin. Kung ang turing sa `kin, malandi at kaladkaring babae dahil kay Glenda, lulunukin ko na `yun. H’wag lang ganito… h’wag lang silang mandamay ng ibang tao. Lalo na `yung mga nanahimik. Lalo na `yung importante sa `kin.
“Hey, `be.”
Hindi ako makatingin kay Yllena. Bukod sa nagpupunas ako ng luha ko, parang… ayokong humarap sa maraming tao. O sa kahit na sino’ng malapit pa sa `kin. Nakakahiya kasi ako… nakakahiya ako dahil may taong nanahimik na nadamay dahil sa katangahan ko.
Parang ang dumi-dumi ko ngayon.
“May klase ka pa, mamaya. I’m not saying you can just ignore this pero don’t let this lose your drive to study today. Sayang `yong pinaghirapan mo.”
Namin…
Kaming dalawa `yong nag-aral.
Pagkatapos naming kumain, akala ko, mag-aaral si Raven ng ni-re-review niya para sa BAR. Nakita ko pa ngang nakabuklat `yong tinatawag niyang memory aid para sa Criminal Law. Akala ko, iyon na `yong babasahin niya, pero nagulat na lang ako no’ng lapitan niya `ko, hawak-hawak `yong libro na ginamit niya dati no’ng nagtuturo siya ng Phil Consti sa `min.
“Bakit?” nagtaas na `ko ng kilay bago pa siya tumabi ng upo sa `kin.
“Gonna help you study.” Hindi siya tumitingin sa `kin habang sinasabi niya `yon… abala na siya sa pagbubuklat ng libro… talagang ire-review niya `ko?!
“`Di mo naman kailangan---”
“I know.” Hinarap niya `ko. “Alam kong magagalit ka kapag tinulungan kita. `Tapos na `ko sa nirereview ko.”
Nakataas pa rin `yong kilay ko.
“Swear, really. Just think of it as my rest… After this, I’ll get back on studying… ayaw mo ba?”
Tinignan ko muna siya nang matagal dahil talagang… ang bait niya sa `kin. Sobra-sobra naman `yong ginagawa niyang pagtulong. Baka, lumubog na `ko nito sa utang na loob dahil sa kaniya.
Napabuntong-hininga na `ko. “Sige na nga. Ang kulit mo.”
Tumawa na siya. “Mas matigas pa rin `yong ulo mo.”
Alas-doce kami no’ng nagsimula kaming mag-review para sa Phil Consti. Nagpaalam ako sa mga kapatid ko no’n na `di ako makakauwi kaya hindi na nila `ko hinintay. Actually, kagagaling ko lang din galing Alabang. Mga alas-sais na rin ako makauwi. Ni wala akong tulog halos na nagawa `tapos ito pa `yung malalaman ko?!
Pero tama si Yllena. Ayokong biguin si Raven. Pareho namin `tong pinaghirapan. Nagkandapuyat siya nang dahil sa `kin. Inuna pa niya `ko kesa sa dapat na i-re-review niya para sa BAR. Ayokong sayangin `yong itinulong niya sa `kin.
Huminga ako nang malalim sa huling pagpunas ng luha ko gamit `yong panyo ko. Ang hapdi no’ng mata ko sa pinaghalong kulang sa tulog pati sa pag-iyak ko… pero bawal magsayang ng effort ng iba nang dahil sa walang kuwentang tsismis ng mga walang magawa sa buhay.
“Nanginginig pa rin ako sa galit, Yllena.” Tahimik lang siyang nakikinig. “Ang bait kasi sa `kin ni Raven… mabuti sana kung ako lang kaso, alam mo `yun? Pota talaga, nadamay, eh.”
“Well, people are good at making stories. They’re not gonna believe in the fact kasi para sa kanila, `yong nakita nila `yong fact.”
“Well, f**k you sa kanila.”
Tinawanan na `ko ni Yllena. “Ikaw naman. Siya na. Text me if tapos na `yong exam mo.”
“Bakit? Sabay tayong umuwi?”
“Yeah.” Dinukot niya sa bag niya `yong Iphone niya. “Text ko la’ng fiancé ko na `di kami magkasabay ngayon.”
Gusto ko sanang tanungin `tong si Yllena sa boyfriend niya, pero wala pa `ko sa mood para makipagkuwentuhan.
Ang awkward ng feeling ko no’ng pumasok na `ko sa pang-alas-diez kong klase. Pakiramdam ko kahit na abala `yong mga kaklase ko sa pagrereview, feeling ko, ako na `yung pinag-uusapan nila.
Nakakapanibago dahil madalas akong nasa unahan. Ngayon, mas pinili kong nasa hulihan; sa pinakadulo para iwas-tsismis.
Madali lang sa `kin `yong exam ko sa Linguistics… karamihan pa, puro essays kaya maning-mani lang sa `kin. No’ng matapos na kaagad ako sa exam, mabilis akong umalis. Ayoko nang mag-stay ro’n. Wala rin naman akong kaibigan do’n.
Dahil nasa kabilang building `yong next class ko, naglakad muna ako. Sobra naman akong naninibago sa sarili ko. Ni hindi man lang ako makatinngin sa mukha ng mga tao ngayon. Pakiramdam ko, pinag-uusapan nila `ko. Nakakapanibago, pota. Hindi naman ako ganito. Wala talaga `kong pakialam kung pinag-uusapan man ako ng mga tao. Buhay ko `to, eh. For as long as wala akong tinatapakan o wala akong ginagago, I’d live my live to the fullest.
Kahit na ano’ng ibato nila sa `kin, ayos lang. Lalaki akong malandi, pariwara, walang kinabukasan, magiging Magdalenang mababa ang lipad… lahat nang `yun, nilulunok ko.
Pero naman kasi, iba `to. Kahinaan na kapag `yung mga importanteng tao sa buhay ko `yung dinamay nila… parang nakakawala ng lakas. Parang… ang gago ng feeling.
Pinilit kong magfocus habang naglalakad. Kailangan kong mapasa `to, at least naman. Parehas naming pinuyat `to ni Raven. Nagtiyaga talaga siya sa `kin para lang makabisado ko `yung mga puwedeng lumabas sa exam.
Pagpasok ko na sa loob, ramdam ko kaagad `yung bigat ng mga titig nila sa akin. Mas malala pala `yong emotional torture dito sa klase na `to. Siguro nga, may alam na sila. Hindi na kataka-taka na ganito `yung titig nila sa `kin dahil kami `yung lecturing class dati ni Raven no’ng nagtuturo pa siya sa Maestranza.
Minsan, gusto kong pumasok sa isipan nila para malaman ko kung ano’ng iniisip nila sa `kin, pero minsan din, ayoko. Baka, hindi ko kayanin `yun… masasaktan ako lalo.
Nagligpit kaagad ako ng gamit no’ng pumasok na si Ma’am Cuevas. Ang bilis no’ng kabog ng puso ko sa dibdib ko. Naghahalo-halo `yung nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw pa rin `yong fire ko para makapasa… Kahit do’n na lang… saka na `tong issue na `to dahil kung papangunahan ko `to, sayang lahat. Sayang lahat ng gabing pinuyat, sayang lahat ng inaral, sayang `yong pagod ko, `yong pagod at oras ni Raven.
No’ng nagsimula na, wala na sa isip ko kung ano’ng oras na. Nasagutan ko naman lahat no’ng mga tanong, may kalakip din na dasal na hindi ako mali lalo na sa parte ng enumeration kasi do’n ako mahina.
Pagkatapos ko sa exam, lumabas na `ko. Nagulat din ako sa sarili ko na nakalabas ako. Para akong pumasok sa bungad ng impyerno. Ayokong mag-isip nang gano’n, pero gano’n nga `yong pakiramdam.
Natigil ako sa paglalakad no’ng mag-beep `yong cellphone ko.
Raven Vergara:
How’s exam?
Nakagat ko `yung labi ko habang nakatitig nang matagal sa cellphone. Magre-reply ba ako o hindi? May alam na kaya siya? Ayoko naman na biglang layuan siya dahil baka kung ano’ng isipin niya.
Ugh!
Ni-reply-an ko rin pagkatapos kong makipagtalo sa isip ko nang matagal. Wala naman siyang kasalanan at ayokong maging gago sa kaniya.
Ako:
Okay lang naman.
Raven Vergara:
Mahirap ba?
Ako:
Hindi naman.
Ang tipid nga lang ng reply ko. Wala talaga `ko sa mood. Baka, maramdaman niya rin `yon.
Raven Vergara:
That’s good. After your rehearsal, susunduin kita?
Lagi siyang nagtatanong kung puwede niya `kong sunduin… na minsan, hindi na rin kasi sinabi ko rin sa kaniya na puwede naman niya `kong sunduin kahit hindi na siya magpaalam.
Pero sa tema ng tanong niya ngayon? Mukhang kumalat na sa kaniya. Ayokong alamin o ayokong sabihin sa kaniya `yong nangyayari dahil baka lalo siyang ma-stress. Ending, hindi na siya makakapag-aral nang matino.
Ako:
Okay lang ba na hindi muna tayo magkita? May mga kailangan lang akong ayusin.
Ang tagal niyang mag-reply. No’ng nakalapit na si Yllena, saka pa lang tumunog `yong cellphone ko.
Raven Vergara:
It’s ok. If you need my help, please know that I’m just here.
“Hey! Let’s go home na.”
Ang hyper din ng isang `to. Hindi naman ako mahawaan ngayon dahil may problema ako. Kung normal na araw `to, makakarinig siya sa `kin ng bara.
Ang tahimik ko habang `tong si Yllena, kuwento nang kuwento sa nalalapit na engagement niya. Mukha talaga siyang masaya, iyon lang `yong masasabi ko. Suwerte rin talaga ng bruhang `to. Nasa kaniya na lahat; yaman, karangyaan, kapangyarihan, lovelife.
Napakasuwerteng nilalang.
“Attend ka sa engagement ko, ah?”
Nilingon ko siya. “Puwede ba `ko ro’n?”
“Hindi.” Napailing ako. “But puwede naman kitang gawing bisita ro’n… after party nga lang tayo magkikita.”
“Ah, so puwede akong pumunta kahit na ano’ng oras `yong piliin ko. Gano’n?”
“Yes!” bumungisngis siya. “Wear best. For sure, head turner ka ro’n.”
“Kailan ba?”
Sa isang taon pa naman `yong kasal. Masyado lang daw siyang excited kasi iniisip niya lagi kung ano’ng pakiramdam na makasuot ng damit pangkasal nila. Um-oo na lang ako kahit hindi ko masakyan `yong trip ni Yllena.
“Hey.”
Tinignan ko si Yllena. Nasa may kanto na kami ng kalye papunta sa apartment namin. Hindi na raw siya papasok sa loob dahil magpapasundo na lang siya rito. Sabi ko sa kaniya, hintayin na lang namin para sure ako na makakauwi siya nang ligtas… ang dami pa namang gago sa paligid.
Nahiya naman daw siya. Gusto nga raw niya na surprise ko nang malaman para may thrill… loka-loka rin minsan ng isang `to.
“Always remember na nandito lang ako, ha? We may not talk a lot, pero swear, just text me kung kailangan mo `ko.”
Medyo napikon siya no’ng hindi ko siya sinagot.
“Huy nga!”
“Oo na.” tinapos ko na lang dahil alam kong hindi kami matatapos. Hindi rin magpapaawat sa kakulitan `tong si Yllena. “Kaya ko pa naman.”
“Pero umiyak ka.”
“Kasi kailangan ko lang ilabas `yon… pero seryoso, kaya ko pa naman.”
Nanliit `yong mga mata niya na parang sinusuri niya ako nang todo. Napairap ako.
“All right… mag-reply ka sa mga text ko, ha?”
Napairap na naman ako. “Oo na nga!”
Sa wakas, dumating na `yong sasakyan niya. Kaso, akala ko pa naman, `yong syota niya na `yong magpi-pick-up sa kaniya. Driver niya lang pala. `Di pa sinabi sa `kin.
Pagkauwi ko, naghahanda na pala ng pagkain si CJ. Si Cara naman, nando’n sa kama, ginagawa `yong usual business niya. Ayaw niya raw tigilan para makatulong daw sa `kin…
“May nangyari ba sa inyo ngayong araw?”
Sabay silang napalingon sa `kin, nakakunot `yong mga noo. Iyon `yong isa sa mga takot na nando’n sa isip ko sa buong maghapon. Baka, na-harass na sila ng mga tanong… o baka kung ano-ano na `yong naririnig nila sa ibang mga tao patungkol sa `kin. Nakakabaliw.
“Wala naman,” si Cara `yong unang sumagot. “Maaga rin `yong uwian namin dahil puro lang kami exams. Bakit?”
Napangiwi na ako. Wala naman sigurong nangyari sa kanila. “Wala naman… siya, kumain na tayo.”
Pumasok na kaagad ako sa banyo para makapagpalit ng damit. Malamang, mag-iisip na `tong dalawa kung ano’ng problema sa `kin.
Nakahinga naman ako nang maluwag no’ng wala naman silang tinanong sa buong magdamag. Kailangan kong mag-ingat… alam ko namang hindi rin magtatagal, malalaman din nila kaya lang, wala pa `ko sa mood para pag-usapan kung ngayon.
Akala ko, kaya kong paabutin ng apat na araw para pagtiisan lahat ng panghuhusga nila. Kaso, ako nga pala `to. Papatulan ko na kapag `yong mga taong malapit sa `kin `yong dinadarag. Okay lang kung ako lang, eh. Dededmahin ko. Kiber ba nila. Kaso dahil dawit na rito si Raven, kahit na gusto kong busalan lahat ng bibig ng mga taong nasa paligid ko, hindi ko ginawa.
Kaya ang solusyon? Nag-file ako ng absent sa OSA. Sinabi ko rin `to kay Yllena. Hindi niya nagustuhan, siyempre, `yong ginawa ko. Wala naman daw akong ginagawang mali kaya bakit ako nagpadaig.
“Kasi nga, mas lalala kung nando’n ako,” paliwanag ko sa kaniya no’ng nagpapahinga ako galing sa pictorial namin para sa isang brand.
Abala sa pagre-retouch ng make-up `yong MA namin dito.
“Kesyo um-absent ka or hindi, pag-uusapan ka pa rin, `be.”
“Alam ko… pero kailangan ko rin namang huminga. Nasasakal ako… sakal na sakal na, Yllena.”
Hininaan ko lang `yong boses ko dahil mukhang nakikinig din `tong MA na `to sa tabi ko. Ang daming tsimosa talaga sa paligid. Puwede bang patahimikin muna nila ako kahit na isang araw lang?!
Narinig ko `yong pagbuntong-hininga niya. “Well… pero papasok ka pa naman, `di ba?”
Natawa ako nang mahina. “Oo naman. Hindi pa nga lang ngayon… kailangan ko munang pag-isipan lahat.”
“Sure ka? You’re gonna miss a lot of subjects. For sure `yon.”
“Updated ako… kung `di man nila ako i-update, mu-murder-in ko sila sa isip ko.”
Tumawa siya. “Buti na lang, wala kang group subject na sinasalihan, ano?”
Hindi rin. Sa totoo lang, least option lang ako ng mga groupings. Kagaya no’ng isang naming assignment sa isa naming major subject. May kulang na isa kasi kailangan tig-ta-tatlo. Eh, wala nang choice `yong dalawang babaeng kaklase ko kaya pikit-mata nila `kong isinali. Kami lang din yata `yong nasa average level kaya kung makapagpasa kami pagkatapos, walang na-build na friendship. For formality purposes lang.
Tinapos ko na rin `yong tawag no’ng tinawag na kami for another set. Ito `yung nakaraang linggo na kaming tatlo nila Billy at Nancy na napili para sa brand na `yon. Ang smooth lang sa `kin no’ng photoshoot kaso silang dalawa…
“Your pose was not right, I told you.”
“Oh, come on, Billy boy, you’re the one at fault here. Why putting all the blame on me?”
Pinagmasdan ko lang silang nagtatalo matapos i-retouch ng ibang MA si Nancy. May isa kasing scene na dapat intimate sila pareho. Pero, dahil trip nilang mag-away, hindi yata nila nakaya na hawakan nang gano’ng kalapit `yong mga katawan nila. Kaya ayun, retake kami.
“You seemed uncomfortable with me touching you.”
Napalingon si Nancy, nakataas na `yong kilay niya. “What are you trying to imply here?”
Mayabang na siyang tinignan ni Billy. “Do you have crush on me, Nancy?”
Gago `tong si Billy! Halos mabulunan ako sa sarili kong laway! Ramdam ko kaagad `yong mga tao na nasa paligid namin na nagsilingunan sa direksyon namin!
Hanga rin ako rito kay Nancy kasi tumawa lang siya, with poise! “Sorry to pop your bubble but I’m not interested with you.” Tinignan niya pa mula ulo hanggang paa si Billy `tapos natawa na naman. “You’re not my type… So, no, I don’t have a crush on you.” Nag-smirk pa siya.
Nagkahamunan pa sila ng tingin. Matagal din `yon bago nagtaas ng kamay si Billy na parang nagsu-surrender na siya. “Okay, suit yourself.”
“Ugh! That guy is f*****g proud of himself.”
Natawa na `ko, `di ko na napigilan kasi halos sabunutan na ni Nancy `yong buhok niya after nilang mag-usap ni Billy. `Yong titig niya kanina, parang mananakal na siya, eh.
“Don’t you really have---”
Inirapan ako ni Nancy. “God, of course, not! Eeew! Why would I f*****g be? Baby, I’d choose to become single forever if he’s the only option. I’d never settle for something I don’t want.”
“But he’s likeable to everyone.”
“But not for me, okay?”
Napailing na lang ako pagkatapos ko siyang bigyan ng isang kibit-balikat. Nagsimula na ulit kami sa photoshoot at salamat sa Diyos dahil naging professional naman `yong dalawa!
Pagkatapos ng maraming take, natapos din kami. Ang bilis ko kaagad tingnan `yong cellphone ko kung may update ba sa school pero mukha namang ghost town `yong messenger. Pota, baka, pinagkakaisahan na `ko ng mga `to, ah? Subukan lang nila.
Napabuntong-hininga ako. Kailangan kong umuwi nang maaga dahil mag-aaral pa `ko. Ang dami kong hahabulin dahil alam kong nag-focus ako rito. Kailangan ko namang bumawi sa pag-aaral.
“Frenny!”
Nilingon ko si Cris. Nagmamadali ba `to? Bakit parang takot na takot `yong hitsura niya?
“Bakit?”
Naguluhan agad ako no’ng hinila niya `ko papunta sa isang gilid. Ba’t ba lahat ng tao, ang hilig akong hilahin nang `di man lang sinasabi sa `kin muna sa `kin kung ano `yung agenda?! Para man lang prepared ako, `di ba?
“Frenny, may issue ka ba?”
Napaawang ang labi ko bago ko pa na-realize `yong ‘issue’ na sinasabi niya. Pota… hanggang dito?!
“Don’t worry, `di alam ng management ng RECO… sa ngayon.”
Alam ko `yung titig na `yon ni Cris… at kapag gano’n, sobra na `yong kaba ko na halos umiikot `yong sikmura ko. Delikado ako nito sa RECO. At kapag hindi ko `to naayos, pota, ayokong mawalan ng trabaho?
“Pota, Cris! Ano’ng gagawin ko?”
Lalo akong naiiyak sa hitsura ni Cris. Ayoko nga kasing kinakaawaan ako!
Pero sa tanong niya at sa mga makahulugang titig niya, nakakapagod magpaliwanag. Akala ko, matatahimik ako. Na kapag nagpakasubsob ako sa trabaho, makakalimot ako.
Hindi pala.
Nagpunas ako ng luha ko. “Uuwi na ako.”
Hindi ko na siya inantay magsalita. Kilala ako ni Cris. Hindi ko dini-discuss ang mga bagay-bagay kapag wala ako sa mood. Ayokong makapagbitaw ng salita na baka pagsisihan ko rin sa bandang huli. Galit na galit ako, oo, pero kailangan kong makapag-isip.
Pero paano ako makakapag-isip nito?
Bakit siya nandito?
Nakaawang ang labi ni Raven, mukhang nagulat na nandito ako… ako nga dapat `yong magulat kasi nandito siya, `di ba?!
“Ano’ng---”
“I know you told me that we shouldn’t meet each other for a while… but I couldn’t just stand myself here thinking every day how stressed you are because of… the issue.”
Sobrang seryoso ng mukha ni Raven habang `yong mga mata niya, nasa akin lang.
Para akong kinakapos ng paghinga sa paglapit niya nang mabagal, `di inaalis `yong tingin sa `kin.
“I know you’d shut yourself up on me because you don’t want me to get worried, pero nag-aalala na ako.”
Sa isang mabilis na iglap, sobrang lapit na niya. Kailangan ko pang tumingala dahil ang tangkad niya.
Huminga siya nang malalim. “This is our problem.” In-emphasize pa niya `yong salitang ‘our’. “What matters to you also matters to me. If you’d think that it’s still not the right time for you to talk about it, I can wait. But please know that I’m always here for you. And don’t hesitate to give a call on me when you need me.”
Bakit ba siya ganito kabait? Bakit ba sobrang bait niya sa `kin?
Huminga na naman siya nang malalim. “I just wanna check on you. Nagbaka-sakali lang naman ako. Aalis din ako kaagad.”
Pero bago pa siya tumalikod at iwan ako, trinaydor na `ko ng mga luha ko. Kumawala na sila nang mabilis sa mga mata ko.
“I’m sorry…” napasinok ako. “Raven, I’m sorry…”
Hindi na siya nag-atubili pa. Tinawid niya `yong distansya sa pagitan naming dalawa at niyakap niya ako nang mahigpit.
Mukhang kailangan ko rin no’n kahit hindi na siya magpaalam sa akin. Kailangan ko `yon. Kailangan ko siya.
“You don’t need to say sorry,” sabi ni Raven na may kasamang buntong-hininga. “I’m not gonna say it’s fine, but you don’t need to require yourself to say sorry for me… and for yourself if you’re not at fault. Because it will never be your fault. Always remember that.”