Chapter 33 Break-up Pagkababa niya ng tawag, nagkunwari na lang akong bumalik sa pagkain. “Cara, ano nga ulit `yong sabi mo sa `kin?“ Sino `yong kausap niya? `Yong pinagkakautangan niya? “What? Your mom’s acting weird?” Tumango ako. “And you said that’s what you’ve been waiting from her? To act like a mother to you and to your siblings?” Tumango ulit ako. “I can’t understand.” Mas nahilo yata siya sa mga kinuwento ko, kaya imbes na pakinggan ko `yong pagra-rant niya, tinignan ko na lang `yong text ng boyfriend ko. Raven: How’s your day? Ako: Ok lang. Naghihintay lang kami rito sa labas ni Yllena Raven:

