Chapter 23 Glenda At dahil sa nangyari, hindi na kami nakapunta ro’n sa maggugupit kay Raven. Buong biyahe kaming tahimik dahil hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan niya talaga ako. Maski rin siguro siya, hindi rin makapaniwala na nalagpasan niya `yong hangganan niya… na kasalanan ko rin kasi alam kong nagpipigil siya sa mga gano’n bagay. Pero grabe namang pagpipigil `yon! Hanga rin talaga ako sa control na meron siya. Kung ibang lalake siguro `yon, baka i-take advantage nila `yong hirit ko. Pero si Raven? Mas inuuna pa niya `yong kapakanan ko kesa sa kapakanan niya. Dapat, may reward sa `kin si boyfriend! Wala sa sarili akong napangiti habang naghuhugas ako rito ng plato sa bahay. Naisip ko na ang layo na nga talaga ng nirating ng relasyon

