Chapter 36 Ayoko “Good morning, Attorney Vergara.” Nakita kong na-surprise si Raven no’ng binati ko siya kinabukasan. Feel ko lang na gawin, kasi kailangan ko ring pasalamatan siya. Walang malice `to, siyempre. Alam ko naman na mayro’n na siyang Liezel sa buhay niya. Maybe, the reason why he gave me that food was because he noticed I always eat out. Wala namang kaso `yon. I knew Raven ever since at alam kong acts of service niya lang `yon. Masyado siyang mabait sa mga taong nasa paligid niya… kahit na masungit siya minsan. At `yong idea na binigyan niya ako no’n? Wala lang `yon. Gusto kong matawa dahil nakatitig siya sa `kin nang nagtataka, pero sandali lang din dahil ang bilis niyang magbaba ng tingin `tapos nagbasa ulit siya ng mg

