S’ya ang unang nag-salita na ikinatikom ng bibig ko. I didn’t respond. Iginalaw ko na ang mga paa ko papasok ng dining room at sinara ang pinto. Nilakad ko ang kinaroroonan ng left side ng mesa, sa gitna rin banda. “Bakit mo ako inantay?” Iyan ang tanong ko bago ako umupo. “Naisip kong baka hindi ka nagugutom kanina kaya hinintay ko na lang na kumalam ang sikmura mo,” kalmadong tugon n’ya sa ‘kin. Hindi pa rin nag bago ang mood at aura n’ya. Ang lamig ng pakikitungo ni Ryū. Ang haba naman ng pasens’ya n’ya para manatili rito na ganoon katagal? Wala nang nag salita sa ‘min. Tanging umuugong lang sa bawat sulok ng dining room ay ang mga kubyertos na tumatama sa bubog na plato. I never spoke a word and so he didn’t as well. He was carrying cold air. Mas lalo yatang lumamig ang buong

