“MALAPIT na pala akong bumaba Aling Barbara,” sabi ni Dustin ng bababa na siya.
“Ha? Bababa ka na?” Nanghihinayang talaga ang boses ko. “Ah, ang ibig kong sabihin ay...Sige, ingat ka. Ikumusta mo na lang ako kay Boyong.”
Tumawa si Dustin. “Lagi ka nga po niyang itinatanong sa akin, kung kelan ka daw ulit pupunta ng bahay.”
Aww. Kakatouch naman.
“Pag may oras, bubulaga na lang ako sa inyo.” sabi ko.
Nagpalinga-linga si Dustin. “Sige po bababa na ako. Ma, sa may kanto lang po!” sigaw niya at biglang nagpreno iyong jeep. Medyo nagkabungguan pa ang aming mga balikat dahil doon. “Buh-bye Aling Barbara. Ingat po!” at ngumiti na naman siya.
“Bye...” wala sa sarili kong sagot dahil namezmerize na naman ako sa ngiti niya.
Tumuwad na si Dustin para bumaba at nagawi ang paningin ko sa puwetan niya. Parang ang sarap hampas-hampasin at pisil-pisilin ang mabilog niyang behind.
Ay diyos mio!
Ano ba itong naiisip ko?! Pinagnanasaan ko ang isang disi-otso anyos na binata? Ano ako si Madam Auring?
Hindi pwede ito. Mahabaging langit!
Sa wakas ay bumaba na ako ng jeep at naglakad sa eskinita papasok sa bahay namin.
“Uy, Barbara! Tagay muna!” sabi ni Kosang Kulas. Habang nag-iinuman sila.
“Kosang Kulas, tagayan mo ako!” sabi ko. Tinagayan ako at ininom ko agad iyon. “Salamat Kosang Kulas,” sabay high five at umalis na ako.
Ganyan talaga ako. Nakikisama.
Pagpasok ko sa bahay ay naabutan kong mugtong-mugto ang mata ni Chiqui habang nakatutok sa cellphone niya. Binatukan ko siya. “Hoy bakla! Anong drama iyan? Nakipag-break ba sa iyo ang jowa mo?”
“Barbara...Patay na siya! Patay na si Olivia!”
Kunot-noo ako. “Huh? Bakit? Anong ikinamatay niya...Hindi ko kayaaa...Hindeee...Teka nga. Sinong Olivia?”
Biglang nawala ang pag-eemote ni bakla at parang wala lang na sumagot. “Iyong character sa ebook na galing sa w*****d. Binabasa ko kasi. School Trip ang title! Grabe nga—“
Mabilis akong sumagot. “Ay naku bakla! Wala akong pakialam sa mga ebook- ebook na iyan! Basta ang gusto ko ibluetooth mo sa akin iyan at pagpupuyatan kong basahin mamaya.” Pagkasabi ko noon ay pumunta na ako sa hapag-kainan.
Humahangos na lumapit sa akin sina nanay, Bunny at Bora. “Anak, anak! May trabaho ka na?”
“Ate, ate may trabaho ka na?”
“Wala pa. Saka pwede ba, pakainin niyo muna ako. Ano bang ulam?” iritado kong tanong. Kasi naman iyon agad ang isasalubong nila sa akin no!
“May tuyo diyan. Sabawan mo na lang ng kape iyong bahaw na kanin para lumambot," sabi ni nanay. "Bora, kunin mo nga iyong juice sa pitsel,” utos ni nanay kay Bora.
“May juice talaga ako ha?”
“Oo naman anak. Alam ko pagod ka kaya pinagtira ka namin ng juice!”
Pagkalapag ni Bora ng juice ay iniwan na nila ako. Magsasalin na sana ako ng juice sa baso ng maisipan kong amuyin iyong juice. Nagduda na ako. “Nay, may iba bang uminom nitong juice? Sinong huling uminom dito?” pasigaw na tanong ko para madinig nila.
Pakendeng-kendeng na lumapit sa akin si Chiqui. “Ay ako ang nag-inom diyan sa mismong pitsel. Don't worry di ko naman inubos diba? Na-thirsty lang akez.”
“OK. Nay paki-igib na lang po ako sa poso ng inumin!” sigaw ko.
NAGISING ako kinabukasan sa ingay na naririnig ko. Parang nagtatalo sina Nanay at si Bunny. Bumangon ako at papungas-pungas na hinarap sila. “Oy, ano iyan? Ke aga-aga sigawan kayo ng sigawan?” tanong ko.
“Yang kapatid mo Barbara ang pagsabihan mo! Si Bunny,” turo ni nanay kay Bunny na parang naiiyak na.
Hinarap ko si Bunny. “Ano na naman ba iyon Bunny?”
“Si nanay ang tanungin mo ate. Wag ako!” aniya.
“Nay, ano na naman ba?”
“Yang kapatid mong si Bunny ang kausapin mo?”
“Bunny, ano ba talaga iyon?”
“Si nanay ate. Siya ang kausapin mo?”
Teka. Nahihilo na ako.
“Nay, ano ba ang problema?”
“Si Bunn—“
“Nay!!!” sumigaw na ako. Hilong-hilo na ako. Grabe. “Ikaw na nanay ang magsabi. Please lang!”
“OK, ako na.” sabi ni nanay. “Iyan kasing si Bunny, pinapatae ako ng pera para sa field trip niya next week. Saan naman ako kukuha ng pera eh kapos nga tayo ngayon?”
Nakita kong umiiyak na si Bunny. Kinausap ko siya dahil mukhang kailangan niyang mapaliwanagan. “Bunny naman. Pwede bang wag ka na munang sumama sa field trip na iyan?”
“Pero ate last na ito eh! Gagraduate na ako sa highshool at isa pa nakapangako na ako sa mga friendships ko na sasama ako. Anong sasabihin ko sa kanila?”
Napahawak ako sa noo ko. “Mag back-out ka. Wala tayong pera ngayon. Wala akong trabaho. Sana intindihin mo na lang Bunny ang sitwasyon natin ngayon!”
“Ang hirap kasi sa'yo ate di ka pa maghanap ng trabaho! Lahat tuloy tayo nahihirapan!”
Bigla kong nasampal si Bunny sa sinabi niyang iyon. “Ako pa ngayon ang sinisisi mo Bunny? Akala mo ba gusto kong mawalan ako ng trabaho! Mamamatay na ako pero gusto ko bago ako mawala nasa ayos na ang buhay niyo!” Hindi ko na napigilan ang paglaglag ng luha ko. T.T
Niyakap ako ni nanay. “Barbara, tama na...Hayaan mo na ang kapatid mo.”
Pero di pa rin ako nagpaawat. “Tatlong taon na lang ang itatagal ko...Ayoko pang mamatay na mahirap tayo. Marami pa akong pangarap para sa inyo. Sana naman, tulungan niyo akong maabot ang pangarap na iyon!”
Pinalis ko ang pagkakayakap sa akin ni nanay at kahit naka manipis na pantulog pa ako ay nagtatakbo ako palabas ng bahay. Sumakay ako sa isang jeep. Gusto ko munang magpakalayo-layo para mag-isip.
Bumaba ako sa bayan.
Lutang ang aking isip. Kanina kasi parang biglang bumuhos lahat ng emosyon na naipon sa dibdib ko.
Naglakad-lakad ako na parang isang papel na nagpapatangay na lang sa hangin.
Peeeeep!!!
“Hoy! Magpapakamatay ka ba?!” Narinig kong may sumigaw sa akin.
Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada. “Pasensiya na...” nahihiya kong paumanhin at nagmamadali akong umalis sa gitna ng kalsada.
Naglakad-lakad pa ulit ako.
Dora lang ang peg?
Hanggang sa makarating ako sa isang tulay. Tumigil ako doon at sumilip sa ibaba. Nakakalula...Ang taas-taas. Tapos mukha pang sobrang lalim at kapag nahulog ako dito ay patay sigurado ako.
“Magpapakamatay ka ba?!” Biglang umalingawngaw sa utak ko iyong sinabi sa akin noong driver na chaka na muntik ng makabundol sa akin.
Magpapakamatay?
Napaisip tuloy ako bigla.
Kung magpapakamatay ako ngayon for sure matatapos na ang lahat ng problema ko.
Hindi ko na kailangang magpakahirap maghanap ng trabaho at hindi na ako matatakot sa kakahintay ng tatlong taon tapos matetepok din naman ako.
Death is my escape...Wow, English!
Pero ano kayang paraan ng pagpapakamatay ang gagawin ko?
“OH MY GALUNGGONG! Anong nangyari sa iyo bakla? Bakit punit-punit ang damit mo? May nagkamali ba at ginahasa ka? Congrats girl!” salubong sa akin ni Chiqui pag-uwi ko.
Warak-warak kasi ang damit ko at sobrang dungis ko pa. Napansin ko na walang tao sa bahay liban kay tatay at Chiqui. Malamang ay nasa school na mga kapatid ko.
Naglupasay ako sa sahig at umatungal. “Nagpakamatay ako baklaaa...!”
“Ano iyan joke? Ba't buhay ka pa?”
“Nagpakamatay ako pero di naging matagumpay...” malungkot kong sabi.
Niyakap ako ni Chiqui. “Ha? Bakit mo naman naisipan na magpakamatay Barbara?” concern ang tono ng boses niya.
“Sawang-sawa na ako Chiqui. Bakit hindi pa ako mamatay-matay?! Lahat naman ginawa ko na! Huhuhu...”
“Ano bang klaseng pagpapadedbols ginawa mo bakla? Parang imbes na mamatay ka eh, sakit lang ng katawan inabot mo.”
Tulala akong nagkwento. “Bumili ako ng maraming gamot. Ininom ko lahat kasabay ng tubig...Tubig, gamot, tubig, gamot! Pero walang nangyari...Nabusog lang ako! Tapos nagpabundol ako sa taxi...Wala ring nangyari, tumalbog lang ako! Sira pa iyong bumper ng taxi at magbabayad pa ako!!! Huhuhu...”
Hinawakan ako ni Chiqui sa magkabila kong pisngi at hinarap niya ako sa mukha niya. “Ano ka ba naman Barbara...Wag kang mawalang ng pag-asa!”
“Mamamatay na ako...” maluha-luha kong sagot.
Inalog-alog pa ako ni Chiqui. “Habang may buhay may hininga! May bukas pa...Sikapin mo, pilitin mong tibayan ang iyong loob dahil ikaw ang huhubog sa iyong bukas! Wag mo sanang akalaing natutulog pa ang Diyos!”
“Mamamatay na ako...”
“Hindi ka pa mamamatay Barbara! Hindi!”
“Mamamatay na ako...”
“Hindi sabi!”
“Mamamatay na ako sa baho ng hininga mo!” sabay sapak ko sa kanya. “Nakaka-suffocate ka!” sabay tayo ko at alis na naman.