Chapter 11

1459 Words
MARCUS Cake House. Kinusot ko ang mata ko. Buti na lang di ako naghiwa ngsibuyas. Leche! Naalala ko na naman. Marcus Cake House talaga! Papasok na kami ni Dustin sa naturang cake house ng pigilan ko siya. Iyong pigil with landi. Ganito iyon. Hinila ko siya sa kamay para medyo mapalapit siya at pag nakaharap na siya sa akin ay ididikit ko ang cheeks ko sa dibdib niya. Then pasimpleng yayakapin ko siya sa kanyang beywang. I know, nagulat siya sa ginawa ko. “Dustin..” paungot kong sabi. “Wag mong sabihin na diyan tayo mag-aapply?” Natense siya bigla. “Ah...Eh, oo Barbie. Bakit, may problema ba?” Tumingala ako sa kanya. “Pwede bang sa iba na lang?” “Ano kasi, hiring kasi sila talaga ngayon kaya mabilis tayong matatanggap diyan. Tara na!” yaya niya at hinila niya ako sa kamay papasok sa loob ng cake house. “Ayiiieee...Ayoko nga eh!” nagkakandaduling na ako sa sobrang kilig. Para na rin akong bulate na nilagyan ng asin! Sa sobrang katarayan ko ay bigla akong bumangga sa isang tao at pagulong-gulong ako tumalsik. Pagtayo ko ay sumalubong sa akin ang mukha ni Marcus at nakakunot ang noo nito. “M-marcus?!” sabay mabilis akong napatayo. “Kilala mo ako?” nagtataka niyang sabi. Agad kong binawi ang aking sinabi. “Ah, oo. Ikaw ang may-ari ng cake shop na ito, diba? Sikat ka na kaya. Tapos usap-usapan ka pa ng mga tamabay at tsismosa sa lugar namin!” “Huh?” Biglang sumingit si Dustin sa chit-chat namin ni Marcus. Mabuti na iyon ng mawala sa akin ang attention niya. “Ah sir, mag-aapply nga po pala kami sa cake house niyo. Nabalitaan kasi namin na tumatanggap kayo ng under age basta may permit kaya magsusubok sana kami.” “Hmm. Iwanan niyo na lang iyong resume' and requirements niyo sa akin at may pupuntahan ako ngayon. We'll just call you kung kailan kayo magsisimula.” Kapwa kami nagulat ni Dustin sa narinig namin.Tanggap na kami? Wala ng interview at kung anu-anong interview. “Tanggap na po agad kami sir?” “Yes, talaga kasing nangangailangan kami ngayon ng tao kaya since nauna naman kayo na mag-apply, kayo na ang kukunin ko. Mukha naman kayong mapagkakatiwalaan. OK, i need to go.” At tumalikod na si Marcus sabay sakay sa magara nitong kotse. Pagkaalis ni Marcus ay mahigpit akong niyakap ni Dustin. Nagulat ako. “Thank you Barbie! Ikaw ang lucky charm ko!” at tinignan niya ako sa mukha. Parang super happy siya. “Lucky charm? Bakit naman?” “Alam mo bang ang dami ko ng inapplayan pero hindi ako matanggap-tanggap? Ngayon lang ako natanggap, kung kelan isinama kita.” Hinawi ko ang buhok ko sabay ipit sa likod ng aking tenga. “Hindi naman siguro. Its just, ito na talaga siguro ang job para sa iyo.” “Hindi. Salamat talaga! Hayaan mo, sa unang sweldo ko, ililibre kita!” Tila nangangarap na pinagmasdan ko ang mukha ni Dustin. Grabe! Ang gwapo niya at ang bait pa. Napaka-sweet pa. Nese kenye ne eng lehet! Ahihihi... PAG-UWI ko ay kumakain na sila ng hapunan. “Ate, kain ka na!” yaya ni Bora sa akin at natigilan ito ng mapansin nito ang suot kong damit. “Bakit suot mo ang damit ni Ate Bunny? Wala ka na bang damit? Ang sikip pati niyan sa iyo.” “Ah, wala. Trip ko lang.” Sa susunod talaga ay magbabaon na ako ng damit ko. “Anong ulam?” at dumulog na ako. Si Chiqui ang sumagot. “Ginataang malunggay! Masustansiya na pamapaganda pa ng skin!” at nagmodel pa ang bakla habang hinahaplos ng magaspang nitong braso. “Asus! Dapat gulay na pampa-upgrade ng amoy ng hininga niluto mo.” “Meron ba nun?” Ang gaga, nag-isip pa talaga! “May good news nga pala ako. Hmm, may trabaho na ako kaya lang hindi ko pa alam kung kailan ang start. Pero okey na rin iyon atleast may hinihintay ako...” sabi ko. “Congrats ate! Ako rin ate. May bagong bukas na karenderia sa may kanto at nag-apply ako kaya may trabaho na rin ako,” sabi naman ni Bunny. “Ano? Bakit ka nagtratrabaho Bunny? Hindi ba at nag-aaral ka?” “Don't worry ate, weekends lang naman ako napasok sa trabaho ko kasi day-off ng tao doon kapag ganoong araw so makakapag-aral pa rin ako.” Hay...Salamat naman at nagbabago na ang mga kapatid ko. Sana ay magtuloy-tuloy na ito para maging panatag na ang kalooban ko kahit mawawala na ako... Magsasalita pa sana ako ng bigla akong makaramdam ng matinding pananakit sa bandang ibaba ng pusod ko. Napangiwi ako. Napatayo agad ang nanay at dinaluhan ako. “Anak, okey ka lang?”nag-aalalang tanong niya sa akin. Tinapik ko sa kamay si nanay. “Ayos lang po ako. Umaatake lang iyong sakit ko...Ugh...Pakuha na lang po ng gamot ko sa bag ko...” sagot ko. UUPO na sana ako sa bowl ng biglang lumitaw sa harapan ko si Matandang Hukluban. “Ay matandang palakang kokak!” Agad kong isinuot ang panty ko at inayos ang suot kong palda. “Hey Barbara!” sabi ni Matandang Hukluban sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa outfit ngayon ni Matandang Hukluban dahil pang hiphop ang kanyang attire. Very loose ang kanyang tshirt na suot at pati na ang kanyang pants. May mga bling-bling din ang lola mo! “Diyos ko naman Matandang Hukluban! Bakit naman basta-basta na lang kayong sumusulpot? Papatayin niyo naman agad ako sa atake sa puso! At isa pa, talagang pag nasa banyo ako saka kayo nagpapakita. Tomboy ka ba?” sabi ko. “Yow! Yow! Yow!” aniya sabay beat box na akala mo ay totoong rapper. “Kumusta naman ang paggamit mo sa lipstick yow?!” “Okey lang yow-- Ay naku! Tignan niyo, pati ako ay napapagaya na sa kahangalan niyo. Tsk!” Tumayo na ako sa pagkakaupo sa bowl. “Yung tungkol naman sa lipstick, ayun...Masaya naman ako lalo na at madalas ko ng nakakasama si Dustin. Hindi na kami alangan na tignan.” “Inlove ka sa kanya, yow!” “Inlove? Paano niyo nemen nesebe...Kainesh keye ha!” Parang malanding pusa na sabi ko. “Ang landi-landi mo, yow!” Agad kong tinignan ng masama si Matandang Hukluban. “Joke lang, yow!” bawi niya. Kung kumilos akala mo swagger! “Basta ang masasabi ko lang, masaya ako kapag kasama ko si Dustin!” sabi ko. “OK, kung ganun. Enjoy lang. And don't forget na hinay-hinay sa paggamit ng lipstick dahil tulad din iyan ng ordinaryong lipstick...Nauubos, yow!” Matapos iyon ay lumabas na si Matandang Hukluban ng banyo. Sumakay siya sa kanyang sports car na kulay pink at pinatalon-talon pa niya iyon at pinaandar na paalis. Natigilan ako sa huli niyang sinabi. Nauubos din ang lipstick? Ibig sabihin kailangan ko siyang tipirin para umabot ng tatlong taon. Hay...Paano ko magagawa iyon na pagkasyahin. Hmm...Mamaya ko na iyan iisipin. Natatae na ako! MASAYANG-masaya kaming dalawa ni Dustin kasi today ay mag-i-start na kami sa Marcus Cake House bilang attendants. Kami ang mag-aassist sa mga customers tungkol sa mga concerns nila at kung anu-ano pang eklaboo! Okey naman ang first day namin. Medyo madali lang ang trabaho at I am really enjoying it kasi twelve hours kaming magkasama ni Dustin. Oh diba?! Taray! Eight na ng gabi at naglalakad na kaming dalawa ni Dustin papunta sa sakayan ng jeep. Pagsakay namin ng jeep ay nagulat ako ng makita ko na kasakay namin si nanay. Mukhang galing siya sa palengke at uuwi na! Patay! Hindi sinasadyang nagkatinginan kaming dalawa ni nanay kasi kaharap ko lang siya. Tinakpan ko ng hawak kong shoulder bag ang aking mukha pero inalis iyon ni nanay. “Diyos ko! Alam mo ba ineng na kamukhang-kamukha ka ng anak ko noong ganyang edad pa siya?” sabi ni nanay na parang banong-bano sa mukha ko. Napalunok ako. “Ah...Eh, ganun po ba?” sabi ko sabay tingin kay Dustin. “Kaboses mo pa siya! Ay naku! Sandali nga at tatawagan ko si Barbara. Matutuwa iyon kapag nakita ka!” At kinuha ni nanay ang cellphone nito sa bulsa at nagdial. Pinagpawisan ako bigla dahil sa sobrang kaba! Diyos ko! Tatawagan ni nanay si Barbara este ako pala. Paano iyan, nasa loob lang ng bag ko ang cellphone ko at ang tanda ko ay hindi iyon naka-silent. Oras na tumawag sa akin si nanay, ay buking na ako. “OK ka lang Barbie?” Napansin yata ni Dustin ang pagiging uneasy ko. “Ah...Oo, OK lang ako...” sagot ko. Patay na! Mabubuko na ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD