"Maria, open the door!"
NAGULAT si Maria, dahil sa malakas na boses ng isang babae sa likuran niya. Abala siya sa binabasa ng bigla na lang may sumigaw sa likuran niya. Bigla niyang ni-off ang kanyang tablet, dahil sa pagkagulat.
"M-Ms. Bianca, k-kayo pala?" kabadong sambit ni Maria, dahil ang buong akala niya ay nahuli na siya na nagbabasa ng paborito niyang online novel.
"Open the door! Gusto kong makausap si Joseph." mariing utos ng dalaga sa executive secretary ni Joseph.
"Wait lang, Ms. Bianca. Bakit ba kasi nanggugulat?" natatarantang sambit ni Maria. Tumayo siya at agad na nagtungo sa pintuan ng office of the CEO. "Ay, 'yong ID ko, naiwan." saad niya, saka muling bumalik sa kanyang desk at kinuha sa loob ng bag niya ang kanyang ID.
Kapag nasa loob na siya ng opisina ay tinatanggal niya sa leeg niya ang lanyard na kinasasabitan ng ID. Saka lang ulit niya kukunin, kapag kailangan niyang buksan ang office ng boss, o kaya ay papasok siya sa conference room at bababa sa canteen. Patakbong lumapit si Maria sa pinto at ni-tap niya ang kanyang ID. Agad naman na pumasok si Bianca sa loob, at narinig pa niya ang malakas na boses ng babae na sumisigaw kay Joseph, bago tuluyang magsara ang pinto.
Hindi inaasahan ni Joseph na muli siyang pupuntahan ni Bianca sa office. Hindi pa siya handang harapin ang babae dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Hindi pa rin siya sigurado sa kung ano ang tamang gawin, para sa anak nila ni Bianca.
"Bianca, what are you doing here? You can't just come to my office whenever you want. I have a lot of work to do and I'm not free right now." salubong ang makakapal na kilay ni Joseph na wika kay Bianca. Parang nadagdagan na naman ang kanyang problema, dahil sa pagsulpot ng babae.
"Joseph, it's been days. You promised to call me the next day, but you didn't. I've been waiting for your call." galit na sagot ni Bianca sa lalaki. Naghalukipkip rin siya sa harapan ni Joseph at halos hindi maipinta ng pinaka magaling na pintor ang tabas ng kanyang mukha.
"I said I'd call if I was free. I'm very busy, my schedule is overloaded." sagot niya sa dalaga.
"What about me, Joseph? You can't just ignore me. I'm pregnant, and I need your support. If you don't want this child, it's fine. I'll just go back to California." naluluhang sambit ni Bianca. Bigla rin ang pamumula ng kanyang mata, dahil sa biglang pag iyak.
"Don't even think about getting rid of the baby, Bianca." banta ni Joseph sa babae. Napatayo siya at nilapat ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. "Okay, fine! I'll marry you and take responsibility as a father. But you need to understand that this marriage will only be on paper. You'll never truly be my wife." saad ni Joseph sa babae, saka pinindot ang intercom.
"Hello, Boss..." narinig niyang sagot ni Maria.
"Maria, please come here to my office." saad niya, habang nakatapat ang bibig sa speaker. Matapos magsalita ay muli niyang binitawan ang button at muling tiningnan si Bianca.
"I'll have my lawyer arrage everything for a civil wedding. However, you'll need to sign a prenuptial agreement before we proceed. That's my condition." saad ni Joseph kay Bianca na ikinatigil ng babae.
Hindi nakagalaw si Bianca, dahil sa sinabing iyon ni Joseph. Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon sa kanya ng lalaking minsan ay mahal na mahal siya.
"Boss," napatingin silang pareho sa babaeng pumasok sa loob ng opisina. Nakatayo lamang ito sa may pinto at pinipigilan sa pagsara ang sliding door.
"Maria, ilabas mo na si Ms. Galvez. Tapos na kaming mag usap." utos ni Joseph sa secretary.
"Yes, Boss." malumanay na tugon ni Maria, saka niya nilapitan si Bianca at hinila palabas ng opisina.
"Don't touch me!" saad ni Bianca, saka iwinaksi ang kamay ni Maria.
Natigilan si Maria, saka napalingon kay Joseph at nagkibit-balikat. Hindi inaasahan ni Maria na gagawin sa kanya iyon ni Bianca. Ang akala ni Maria ay napakabait ni Bianca, dahil iyon ang nababasa niya sa social media. Napakaraming nagpapatunay iyon sa social media, kaya ganon na lang ang pagtataka niya ngayon sa inasal ng dalaga.
"Maria, next time, tanungin mo muna ako kung puwedeng pumasok dito ang isang tao o hindi." ma-otoridad na sambit ni Joseph.
"Sige, Boss, pasensya na po. Hindi na mauulit." sagot ni Maria. Agad din siyang humingi ng paumanhin sa kanyang Boss. Nilakasan pa niya ang boses, para iparinig ito kay Bianca.
Nagdadabog na lumabas ng opisina si Bianca, dahil sa narinig niyang sinabi ni Joseph. Hindi siya makapaniwala na kaya na siyang itaboy ngayon ni Joseph. Umalis siya sa company na masama ang loob sa lalaki.
Pagkasakay niya sa kanyang kotse ay mabilis niya itong pinatakbo, paalis sa loob ng basement carpark ng company. Parang gustong sumab0g sa galit ang kanyang dibdib, dahil sa sama ng loob kay Joseph.
TINAWAGAN ni Joseph ang kanyang lawyer, para ipahanda lahat ang kanilang kakailanganin sa kanilang civil wedding ni Bianca. Senend din niya sa lawyer ang ginawa niyang prenuptial agreement na ipapaperma niya kay Bianca bago sila ikasal ng dalaga.
TWO WEEKS LATER....
Ikinasal sina Joseph at Bianca sa pamamagitan ni Attorney Sy. Iilan lang ang mga bisita nila, at tanging pamilya lang nila ang dumalo. Dumating rin ang Ate ni Joseph na si Samantha at asawa nitong si Nathan Del Valle sa kanyang kasal. Kahit napakadaming trabaho ni Nathan sa Pilipinas ay dumating pa rin siya sa wedding day ni Joseph.
Tanging magulang lang din ni Bianca ang nakarating sa hotel kung saan ginanap ang kasal. Walang ibang kaanak o kakilala ang sinabihan nila na ikakasal na si Bianca. Nahihiya ang mga ito, dahil isa lamang civil wedding ang magaganap. Gusto ng mga ito na grand wedding ang maging kasal ng nag-iisa nilang anak, pero hindi pumayag si Joseph.
Hindi naipilit ng mga Galvez ang gusto nila, kahit pa sinabi ng ina ni Bianca na sila ang gagastos. Nagmatigas si Joseph at sinabing walang magaganap na kasalan kapag ipinilit nila ang kanilang gusto. Nagbanta pa ito na hindi siya sisipot sa araw ng kasal.
Matapos ang konting salu-salo sa Hotel ay kaagad na nagpaalam si Joseph, para bumalik sa opisina.
"Anak, araw ng kasal mo ngayon. Hindi ba puweding ipagpaliban mo muna ang trabaho mo?" tanong ni Marlyn sa anak.
"Nay, may board meeting ako ngayon. Hindi puweding wala ako doon." sagot ni Joseph, saka hinalikan ang ina at basta na lang tumalikod.
"Joseph! Joseph, bumalik ka rito!" pagtawag ni Marlyn sa anak, ngunit hindi na siya nito pinansin. Tuloy-tuloy na naglakad si Joseph, palabas sa VIP room kung saan sila kumain.
Agad din tumayo sina Aaron at Richard, at nagpaalam sa mga pamilya nila. Kailangan din nilang bumalik sa company, para sa board meeting.
"Tita, hayaan na n'yo siya. Talagang may hinahabol kaming board meeting sa company. Hindi kami puweding ma-late doon." pagpapakalma ni Aaron sa ina ni Joseph. Humalik rin siya sa ginang, bago tuluyang umalis.
WALANG IMIK ang mga magulang ni Bianca, habang nagmamasid sa paligid. Pati si Bianca ay wala din imik at patuloy lang niyang pinaglalaruan ang pagkain sa kanyang plato.
Napa buntong hininga ang ina ni Bianca, dahil sa inis niya sa inasal ni Joseph. Para sa kanya ay kabastusan ang ginawa ng lalaki na biglang pag alis sa reception. Hindi pa sila natatapos kumain, pero iniwan na sila ng groom.
"Bianca, are you sure about marrying him? He was so arrogant and disrespectful, leaving without a word." naiinis na tanong ng ina ni Bianca sa kanya.
"Mom, you heard him, right? He had a board meeting to attend." sagot ni Bianca sa ina.
"But it's your wedding day! He should be here, taking you to your honeymoon after the reception." may halong pagka inis na sagot ni Mrs Galvez.
"Mom, Joseph and I have plans. This is just a civil wedding, we're having a church wedding soon. Please don't judge Joseph so harshly." sagot niya sa ina. Pilit niya itong kinakalma, para hindi ito magalit sa harapan ng pamilya ni Joseph.
"That's enough. Our daughter is grown, she can handle things herself." pagsaway ni Mr. Galvez sa asawa. "Let's go, dear." sabi niya sa ginang, saka ito tumayo at hinila ang asawa palabas sa VIP room.
Naiwan na nagtitinginan sina Mommy Glo, Eve, Samantha, Nathan at Tatay Judy. Si Marlyn naman ay sinundan ang mag asawa sa may pinto, kahit hindi nagpaalam ang mga ito sa kanila.
Walang imik si Bianca na patuloy nilalaro ang pagkain sa kanyang plato. Tila wala siyang paki alam sa paligid, kahit alam niyang pinagtitinginan siya ng pamilya ni Joseph.