(AARON) "I knew it!" bulalas ko, matapos kong marinig ang sinabi ni Morris. Sa una pa lang ay alam ko nang si Bianca ang nasa likod ng lahat. Ano bang utak mayroon ang babaeng iyon? Paano niya nagagawang gumawa ng mga bagay na ang sarili niyang anak ang nagdurusa!? "Dalhin ang kalabao na 'yan at ipakain sa mga buwaya ni Thisa! Isama na din niyo ang mga tauhan niyang katulad niyang walang kuwenta!" mariing kong utos sa mga tauhan ko. "Masusunod, Boss!" sagot ng mga tauhan ko, saka sila mabilis nagsikilos. "Boss, nasusunog ang basurahan!" sigaw ng isa kong tauhan. Dumating na rin ang iba kong tauhan, para sunduin ako. "Sunugin na rin niyo itong bahay ng Kalabao na 'yan, para mawala na sa lugar na ito ang kagaya niyang basura!" utos ko, bago ako tumalikod. "Balikan namin mamaya, B

