BIGLANG umalis ang magkapatid, para hanapin ang Nurse na dating nag alaga kay Gerlyn. Kahit hindi magsalita si Kuya Aaron ay parang alam ko na ang mangyayari sa Nurse na iyon. Kinabahan din ako sa nakita kong galit sa mukha nilang magkapatid. Parang biglang naging ibang tao sila, matapos nilang mapanuod ang interview ni Bianca sa TV. Kinakabahan ako, pero sa isang banda ay natutuwa rin ako, dahil alam kong hindi nila hahayaang manalo ang kasinungalingan ni Bianca. Gagawa talaga sila ng paraan, para lumabas ang totoo, at palabasin kung sino ang tunay na may sala. "Bess, okay ka lang? Huwag mo nang isipin ang tungkol sa balita. Halata naman na gusto lang gumawa ng ingay ni Bianca, para mapansin siya ng mga fans. Pero isang malaking pagkakamali ang ginawa niya, dahil hindi papayag ang magka

