"Upo ka muna, Bess." sabi sa akin ni Eve, saka niya ako pina upo sa isang silya sa harap ng table ni Kuya Aaron. Nasa kabilang upuan naman si Joseph, kaya magkaharap kaming dalawa ngayon. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi niya ako sinalubong ngayon? Dati naman ay lagi niya akong sinasalubong at inaalalayan sa aking paglalakad at pag upo. Binubuhat pa nga niya ako, para ipa-upo ng maayos sa upuan o kaya'y sa kama. Siguro ay dahil narito ang mga magulang niya, kaya hindi siya nagkukusang tulungan ako. Haist! Bakit ba kasi ako umaasa na sasalubungin ako ni Joseph? Hindi naman kami magka anu-anong dalawa. Hindi rin niya ako asawa, o girlfriend. "Tumigil ka Thalyn... Wala kang karapatan kay Joseph! Ilugar mo ang sarili mo sa pamamahay na 'to." sabi ko sa aking sarili. Hindi ko

