TPB 6

1955 Words
Chapter Six Bagong Simula Nasa trabaho ngayon si Fredric habang hinihintay niyang dumating ang kanyang boss. Stressed na stressed ang mukha ngayon ng binata at ‘yun yata ang dahilan kung bakit nagti-tinginan sa kanya ang kanyang mga katrabaho. Nakatulala lang siya sa kanyang pc at hindi siya kumikilos. Dahil sa nangyari kagabi, nawalan na siya ng ganang magtrabaho pa sa kanilang kumpanya. Bumaba ang tingin niya sa sarili at pakiramdam niya’y wala na rin ang kanyang dignidad sa sarili. Binaboy siya ng kanyang sariling boss kagabi at hindi niya iyon matanggap sa sarili. Sa kabila ng lahat, sarili pa rin niya ang kanyang sinisisi dahil hinayaan niya lamang na magpaubaya siya kay Mr. Gaston. Wala kasi siyang laban. Hindi niya kayang lumaban. Pagdating sa mga ganitong bagay, mahina ang binata. Nakatulala pa rin ang binata habang dahan-dahang humihinga ng malalim. Nakakadiri ang sarili ko, nagpaubaya ako sa kanya. Ang sabi pa nito sa kanyang isip. “Good morning, Mr. Gaston!” pagbati ng isa niyang katrabaho. Heto na ang pinakahihintay niya, dumating na ang kanyang boss. Galit na galit siya rito at hindi na siya makapagtimpi pa. Kahit nasa loob na ang pinakahihintay niyang tao, hindi niya naisip na lingunin kahit sandali ang taong ito. Naghihintay lamang siya ng tamang tiyempo. Hinihintay niyang makalapit ang kanyang boss sa kanyang pwesto. “Good morning, Mr. Fredric.” Pagbati sa kanya ng kanyang boss. Hinimas-himas pa nito ang kanyang buhok at ginulo ito. Matipid na ngumiti si Fredric at sandaling lumingon sa kanyang boss. Ang bango mo ngayon, ah. Bulong ng kanyang boss sa kanya. Walang nakapansin na palihim na siyang hinihipuan ng kanyang boss. Busy kasi ang kanyang mga katrabaho kaya hindi na napapansin ang ginagawa ni Mr. Gaston sa kanya. Gusto nitong sumigaw at humingi ng tulong pero hinayaan niya na lamang niya ang sandali. “Hinding-hindi mo na ako matitikman.” Sabi nito sa isip habang nakangisi. Nang lumabas si Mr. Gaston sa kanilang workplace, sumunod ding lumabas si Fredric. Nagtungo siya sa opisina ni Mr. Gaston. Bumati pa ang binata sa kanyang boss at saka ngumisi. “Yes, Mr. Fredric. Do you miss me?” “No, sir. Actually nandito po ako para ibigay sa inyo ‘to.” Nabigla si Mr. Gaston pero sa halip na ipakita niyang nabigla ito sa binigay ng binata, tinawanan na lang niya ito. Dinaan niya sa tawa ang kanyang pagkabigla habang binabalik ang puting envelope na binigay ng binata. “Binibigyan mo ako ng resignation letter?” natawa si Mr. Gaston. “Nagpapatawa ka ba, bata?” “I will leave now, whether you want it or not, Mr. Gaston.” Aalis n asana ang binata nang abutin ng kanyang boss ang kamay nito. “No! No one will leave. Ano bang gusto mo para hindi ka na umalis? Please, tataasan ko ang sahod mo. Anything else?” “No thanks, sir. Maghahanap ako ng bagong trabaho. Kung saan walang amo o boss na kagaya mo!” tumakbo ang binata palabas ng opisina. Sa wakas at nakamtam na rin niya ang kalayaan. Kalayaan na wala nang Mr. Gaston ang magpapahirap sa kanya. Kalayaan na kung saan malaya siyang magmahal ng kung sino at hindi na siya hawak ng kung sino mang tao. “Pagsisisihan mong umalis ka dito, bata!” pahabol pa ng kanyang boss. Sa wakas at nakalabas na ng building ang binata. Ngayong wala ng trabaho ang binata, nagpasya siyang umuwi na lang sa kanilang boarding house. Hindi pa kasi sapat ang kanyang pera para umuwi sa Pangasinan, kung saan siya nakatira. Siguro’y makikiusap na lang siya na tulungan siyang makahiram ng pera o kaya ng trabaho sa kanyang mga boardmates. “Anyare sa’yo Fredric? Ba’t kaba kasi umalis doon sa trabaho mo?” tanong ng kanyang ka-boardmate na si Paul. “Wala, tol. Amboring na kasi. Gusto ko iba naman.” Pagsisinungaling nito. Ang totoo’y umalis siya dahil sa kanyang mahalay na boss. Gusto niyang makatakas mula rito kaya ang tanging paraan na lang ay ang umalis siya sa trabaho. Effective naman ang kanyang ginawang pag-alis ngunit napakalaking kawalan noong trabaho. Magsisimula na naman siya ngayon. Talagang nakakapanghinayang ang malaking sweldo na binibigay ni Mr. Gaston. Kung hindi nga lang siya mahalay, talagang mag-i-stay si Fredric dito. “Ah ganoon ba? Mayron akong alam pero mas mababa naman ang sweldo kumpara sa trabaho mong call center.” Wika ni Paul. “Ayos lang ‘yun, ang mahalaga may trabaho na hindi boring. Gusto ko kasi masaya. Masaya ang workplace, plus masaya kasama ang mga katrabaho pati ang amo o boss.” “Sige, bukas magdala ka ng NSO mo at NBI Clearance. Isasama kita sa trabaho ko.” “Ano ba’ng trabaho mo, Paul?” untag ng binata. “All around boy. Sapat na ang sweldo na sampung libo, kinsenas naman bale makaka-dalawampung libo ka sa isang buwan. Sapat na ba ‘yon para sa’yo?” “Oo naman. Sobrang sapat na ‘yon.” Masayang sabi ng binata. Sa wakas ay muli siyang magkakatrabaho. Maliit man ang sweldo kumpara sa nakaraan niyang trabaho, ang mahalaga may hanapbuhay na ulit siya. Pampalipas oras lang naman niya ang bago niyang trabaho habang naghahanap siya ng mapapasukan niyang kumpanya. Balak niyang bumalik sa pagiging agent pero hindi pa sa ngayon. Gusto niya munang libangin ang sarili niya sa ibang bagay. Gusto niyang subukan kung papasa ba siya sa pagiging all around boy. Kinabukasan, maaga silang nagpunta sa isang napakalaking bahay. Hindi maiwasang mamangha ni Fredric sa magagarbong sasakyan na nasa loob pati na rin ang napakalawak na lupain kung saan nakatayo ang malaking bahay. Nagtungo sila sa isang mini-fountain habang hinihintay ang mayordoma. Ang mayordoma kasi ang makikipag-usap kay Fredric kung tatanggapin ba siya sa trabaho. Maya maya lang ay dumating na isang katulong na kalalabas pa lamang mula sa loob ng malaking bahay. Nginisian si Fredric ng isang dalagang katulong habang papalapit ito sa kinatatayuan nila. Nagpakilala ang dalagang katulong kay Fredric at masaya siya nitong pinaunlakan. “Good morning, ako ang isa sa mga katulong dito. Ako si Aileen.” “Fredric ang pangalan ko, ma’am. Nais ko lang po sanang mag-apply dito bilang isang house boy. May lugar pa ba ako dito ma’am, Aileen?” magalang na tanong ni Fredric. “Ay naku, h’wag mo na ako i-ma’am pa. Magkasing-edad lang siguro tayo. Oo naman, may lugar ka pa rito, Fredric. Pwedeng-pwede ka na magsimula ngayon sabi ni boss. Wala kasi ang ating mayordoma ngayong araw, pero h’wag kang mag-alala bukas nandito na rin ‘yun.” “Ah ganoon po ba? Salamat po, salamat.” Masayang tugon ni Fredric. “Gusto ko pong makilala ang inyong boss.” “Naku, Fred. Busy ‘yon sa trabaho. Minsan nga lang ‘yun umuwi ng bahay, eh.” Wika ni Paul sa kanya. Lahat sila ay napatingin sa isang kotse na papalabas na ng gate. Napakagandang kotse nito at mukhang mamahalin. Itim ang kotse tulad ng paboritong kulay ni Fredric. Hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng kotseng nasisilayan niya ngayon. May biglang bumulong sa kanyang isipan. Balang araw, magkakaroon din ako ng kotseng itim din ang kulay. “By the way.” Malanding pagkakasabi ng dalaga. “Iyon pala ang boss, sigurado akong magpupunta na ‘yun sa opisina nila. Lika, pasok ka na kayo Fredric at Paul. Paul, nga pala. Linisin mo ang bakuran at pakidilig na rin ng hardin doon. Habang ako, sasamahan ko ang bago nating house boy para makapaglibot-libot sa loob ng babay. Iyon ang binilin sa akin ni Manang Teresita.” “Fred, pare mauuna na ako, ah.” Paalam ni Paul at nauna na itong umalis at nagpunta sa lugar na tinakda sa kanya ng dalagang si Aileen. Kasama na ngayon ni Fredric ang dalaga. Una nilang pinuntahan ang swimming pool. Napakaganda nito at napakalinis tingnan. Binilin sa kanya ng dalaga na dapat ay panatilihing malinis ang pool dahil sa mga anak ng kanilang boss na araw-araw naliligo. Sunod naman ay ang garahehan, binilinan din siya ng dalaga na dapat ay marunong siyang maglinis ng kotse. Pangarap pa naman ni Fredric ang magkaroon ng sariling kotse kaya naman tuwang-tuwa siya nang malaman niyang maglilinis siya ng kotse. Ang huli naman nilang pinuntahan ay ang mga hayop na nasa bakuran. Binilinan siya na dapat laging pakainin ang kanilang aso at pusa upang hindi magutom at mamatay. Tango lang ng tango ang binata sa mga sinasabi ng dalaga. Gusto na niyang puntahan ang mga kotse at paliguan ang mga iyon hanggang sa maging malinis at makintab tingnan. “Gets mo ba lahat ng sinabi ko?” mataray na sambit ng dalaga. “O-Opo, ma’am, Aileen.” “Good, marami kayong mga house boy dito kaya dapat magtulungan kayo. Pwede ka nang magsimula, ngayon na. Chao!” Nang umalis ang dalaga, agad niyang pinuntahan ang garahehan. Walang naglilinis ng kotseng nakikita niya ngayon. Ang nakikita niya lang ay ang iba pang mga house boy na naglilinis ng mga aircon. Kinuha niya ang balde at ang tabo na naroon sa loob ng garahehan. Gaya ng mga pagbilin sa kanya, inigiban niya muna ng tubig ang balde malapit sa pool. “Pare, bago ka ba rito? Ano’ng gagawin mo?” tanong ng isang house boy. “Opo, bago lang ho ako rito. Nais ko lang pong linisin ang kotseng ito.” Pagturo niya sa kotseng nasa harapan niya ngayon. “Ah, ganoon ba? Eh, kasi tuwing sabado at linggo lang namin ‘yan nililinisan. Kung gusto mo tulungan mo na lang kami rito sa paglilinis ng aircon?” “Ay, pasensya na ho pero gusto ko po talagang linisin ang bagay na ‘to.” Pagpupumilit ng binata. “Makulit ka talagang bata ka, sige na linisin mo na ‘yan at mamaya ay tutulungan ka namin pagkatapos.” Habang pinapaliguan ni Fredric ang kotse gamit ang pinaghalong sabon at tubig, kitang-kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang malagkit na pagtitig ng dalawa pang house boy sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin bagkus ay pinagpatuloy niya ang kanyang pinagkaka-abalahan ngayon. Nang matapos na ang dalawang lalaki sa kanilang pinagkaka-abalahan, lumapit ito kay Fredric at saka nakipag-kamay. “Erwin nga pala, pare. Natutuwa kami’t may bagong house boy dito.” Pagpapakilala ng lalaki. Magkasingtangkad sila ni Fredric at maskulado ang katawan. “Salamat.” Maikling tugon ni Fredric at nakipagkamay siya sa lalaking kausap niya. “Ako si Yohan, pare. Ang puti-puti mo pala, parang hindi ka bagay dito. Mukha ka kasing nagta-trabaho sa opisina, eh.” Sambit naman ng isang lalaki. Moreno ito at maskulado rin ang katawan. “Sa katunayan, nagta-trabaho ako dati bilang isang call center agent. Di nagtagal umalis ako, ayun napilitan maghanap ng trabaho. Kahit hindi ako nababagay dito, pipilitin ko pa ring magsikap.” “Bakit ka umalis? Sayang naman, malaki pa naman ang sweldo mo roon.” Sambit naman ni Erwin. “Wala, eh. Dito ako dinala ng kapalaran.” Muli nitong pagsisinungaling. Nakakahiya naman kung malaman pa ng ibang tao ang ginawang panghahalay sa kanya ng kanyang boss na si Mr. Gaston. “Kung gano’n, welcome sa bago mong kapalaran, pare.” Wika naman ni Yohan. “Tama, ito na ang bagong simula para sa akin.” Bulong nito sa sarili. Sama-sama na nilang nililinis ang kulay puting kotse na nasa garahehan. Masayang-masaya si Fredric sa kanyang bagong kapalaran. Pakiramdam niya’y dito siya sasaya at makakakuha ng mga bagong aral sa kanyang buhay, Sana lang ay hindi na singsama ni Mr. Gaston ang kanilang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD