"Let's go home, it's already six in the evening.", he offered after eating. I nod in response and throw myself up. "Are we going to use the car or are we going to walk?"
Maliit ba utak nito o sadyang nagbobobo-bobohan lang? Of course, it's obvious that we're going to use the car. Alangan naman maglakad kami tapos babalik nalang siya dito sa school para kunin kotse niya.
"Car.", tanging tugon ko nalang dito.
"Then car it is.", he smiled as he hold my hand.
I know between us, this is probably just normal for him. But for me? No this isn't.
Hawak kamay nalang kaming pumunta sa parking lot at thankful ako kasi kakaunti lang ang dadaanan naming mga tao. Nakakahiya naman ang PDA naming dalawa ni Carlo kahit wala naman kaming label.
"No! Just work your a*s there and take care of Allyson for me, Okay?"
Nakuha ng atensyon namin ang isang babaeng nay kausap mula sa malayo. Siningkit ko ang mga mata ko upang makita ito ng malinaw at napagtanto kong ito 'yung babaeng nakabanggaan ko kanina.
Bakit siya nandito? Dito ba siya nagtratrabaho?
"So, pupunta ka ba?", tanong nito ng makapasok na kami sa kaniyang sports car.
"Huh? Saan?" Nalulutang kong tanong.
"Morisette is throwing a Pool Party tomorrow. Are you coming?"
Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi nito.
So bukas pala ang Brithday ni Morisette? And she invited him?
Well, hindi na kaduda-duda kung bakit niya inimbata si Carlo.
"You mean yung Queen Bee?"
"Yes, I was invited-"
"And I wasn't. At saka, I will just cause a scene and you wouldn't like your bestfriend ruining someone's party, would you?."sambit ko at tumingin sa may bintanang katabi ko.
"Hmm, though, I want you to be there too."
"Hindi nga pwede. Ang kulit mo din eh. dahil hindi ako imbitado. 'Wag ka nalang din pumunta kung ayaw mo tch.", komento ko.
"Please?", Nabigla ako nang hawakan nito ang kamay ko at pinisil.
Tigilan mo yan! Kinikilig ako
.
"S-Sige na nga.", napipilitan na tugon ko at hinablot ang kamay ko mula sakaniya. Bakit kailangan maging marupok, Chelsea?
"YES!" masayang sabi nito. "So this is the invitation...", iniangat niya ang isang pamilyar na envelope na nakita ko kahapon noong ibigay ni Morisette kay Nathan ang cookies. "It says here that the Pool Party will start at 6 in the evening. We still have a lot of time to buy you a dress.", he informs as his eyes were focused on the road.
"Nagtatae ka ba ng pera, Carlo?", hindi makapaniwalang tanong ko dito. "At saka Pool Party 'yon, diba dapat swimsuit or two pie-"
"No. I will not allow you to wear something revealing.", matigas na saad nito.
Kumunot ang noo ko dahil dito, "Eh tapos ikaw mag papakitang abs doon sa pool party?", inis kong tanong dito.
Ang unfair naman niya gumawa ng rules! Ako dapat conservative na damit tapos siya SHORTS LANG? Paano nalang kung may lumandi sakaniya doon? Naiinis na nga ako kahit naiimagine ko palang.
"Because i'm a boy, and you're a girl."
"That doesn't makes sense.", I confronted.
Napabuntong-hininga ito. "Ayoko lang na mabastos ka doon."
"At sino naman ang magbabastos saakin doon eh mukha nga akong invisible sa loob ng school doon pa kaya sa Pool Party."
Ilinibang ko nalang ang aking tingin sa labas ng bintana kaysa sa tignan ito. Baka mahalata niyang nanggagalaiti na ako dito dahil sa selos. Selos na baka may lumandi sakaniya during that stupid party.
"Still, I wouldn't allow you to. And that's final.", he said with finality.
Akmang mag sasalita pa sana ako ng mahagilap ng aking mga mata ang isang taong nasa itaas ng abandoned na 3 storey building.
Hindi ko alam kung bakit ito nakacloak at bakit ito nasa building na iyon. One thing for sure, his head is following the movements of Carlo's sports car.
'
The saviour will fall.'
Napatingin ako sa loob ng kotse habang nakakunot-noo. "Uhh, may sinabi ka?", tanong ko sa katabi ko.
"What?", tanong 'rin nito.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero parang may bumulong saakin.
Napatingin ulit ako sa abandonandong building pero pag tingin ko doon ay wala na ito. Napapikit nalang ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.
Stress lang ata ako.
Napahawak ako sa beywang ko ng maramdaman kong medyo kumikirot ito. Nang mawala ay napahinga ako ng maluwag.
Pagpasok ko palang ng bahay ay pinaglutuan ko kaagad ang mga ito nang kanilang hapunan. At nang matapos sila ay napasimangot nalang ako nang panoorin lang nila akong magligpit nang mga pinagkainan nila.
"Hoy babae..."
"Ano?" I asked in a dull tone. Her attitude is really pissing me off.
"Aba't! Walang galang ah!" Sasampalin na sana ako ni Auntie ng maunahan siya ni Catrina.
As the palm of her hands came contact with my left cheek, the sting emerges making me wince a little. The plates I am holding was too close from falling because of her unpredicted actions.
This ugly b***h.
Pag ako nakabawi, mas malala pa ang gagawin ko kaysa dito, mark my words, Catrina.
You will see me holding on my middle finger to the world~ F*ck your ribbons and your pearls. Cause i'm not just a pretty girl~
"Anak, bakit mo ko inunahan sumampal?"
"Eh sa mas nagalit po ako sa kanya nay eh. Napaka walang galang niya sayo eh." Mala inosenteng sabi ni catrina. Sige! Ikaw na magaling um-acting! "Sapakin niyo nalang ulit, nay..."
Palihim nalang akong napairap dahil dito. Eh kung ikaw kaya sampalin ko to the point hindi mo na magagalaw leeg mo.
"Huwag na. Waste of time."
"Hoy babaeng manang, bukas wala kami dito ah?! Ikaw muna ang magbantay at maglinis dito sa bahay. Pupunta lang kami ng boracay ng nanay ko at hindi ka na kasama."
Bakit? May sinabi ba akong sasama ako sainyo?
Tumango nalang ako habang pinupunasan ang lamesa."And after we get back I wanted clean house am I bright and clear?"
Napakunot-noo pa ako dahil sa grammatical errors nito at muntik nang matawa ngunit pinilit kong hindi. Tumango nalang ako at nagtungo sa kusina para hugasan ang pinagkainan nila.
Oo na bright and clear ka na Catrina HAHA.
Naghilamos muna ako bago matulog. At dahil saturday na bukas, ang gagawin ko nalang ay maglinis, at mag re-ready para sa date- este sa lakad namin ni Carlo. Pero Syempre maaga dapat akong gigising dahil andami akong lilinisan dito sa bahay na ito.
Dumungaw ako sa maliit na bintana ng aking kwarto. At mula dito ay kitang-kita ko kung paano magningning ang mga bituin. Mas malinaw ang pagkislap ng mga ito dahil walang buwan nadadatnan.
Tinignan ko ang mga ito ngunit napako ang aking tingin sa iisang bituin na kung kumislap ay parang isang buwan.
They say it is Polaris?
The brightest star seen in Ursa Major?
Thankfully, hindi malabo ang mga mata ko kaya tanaw na tanaw ko mula dito ang kagandahan nito. She's glimmering in different colours. Siguro, siya na ata ang pinakamasayang bituin mula sa kalangitan.
'My acquaintance's soul is dark
And all I can see is Chaos' mark
My might is beyond limitless
For it represents a model of unyeilding fortress
I, the universe shall judge the souls
When the beginning of the end arise tomorrow
And let them all bow down before me
For it is I, Universe itself, can you not see?'
"Ahhhh!" Napabangon ng wala sa oras.
"Susmaryosep na panaginip yan! Tangina", napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng kabog nito.
I don't know who and why someone is speaking inside my dream. It really sounds like a poem because of the rhyme it holds.
Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at bumangon na ako. Ginawa ko na ang morning routines ko. Nagshort ako ng maong at t-shirt na color white na may rose na designs. My favorite.
Bumaba na ako nang kwarto at natagpuang wala na sila. Ang aga naman nilang umalis, halatang ayaw makita kagandahan ko eh.
Dumiretso akong dining area at may nakita akong sunog na itlog at kanin na sunog rin doon na nakahanda. Kay gandang pagkain.
Sa katabi nito ay may nakita akong isang papel. Kinuha ko ito at binasa.
'Goodmorning, nerdy na panget. Inihanda ko pala ito saiyong pagkain. Ginawa ko na rin sunog para malasahan mo ang pait ng isang dyosang katulad ko. At sana pagbalik namin, WALA KA NA. And don't worry, kahit enemy kita hindi ko ito linagyan lason. Oh diba ang bait ko sayo? Kaya favor lang... umalis ka na ng pamamahay namin.
-ang goddess of beauty,
Catrina'
Tch. At kailan ka naman naging goddess of beauty? Ha? Catrina? Di nalang ako kakain. Baka may lason pa talaga 'to. Tinapon ko nalang sa basurahan. Kumuha nalang ako ng isang slice bread galing sa ref at nagtimpla ng kape. Masarap kasi kapag kumakain ka ng tinapay na may kasabay pang coffee. Ginagawa niyo rin ba yun? Si author oo hihi!
Pagkatapos ng agahan ay nagsimula na akong maglinis. Naghugas na ako ng mga plato, nagwalis, nagfloor wax, naglinis ng kwarto ni catrina at ni tiya, at nagwalis ng bakuran.
Nakita ko pa yung hinubad na panty ni Catrina. Hindi ko maexplain ang amoy, unidentified toxic
smell made by the famous scientist- Catrina.
*BEEP BEEP*
Napapunta ako ng gate at tinignan kung sino ito at nakita ko naman si Carlo na lumabas ng kotse niya.
Napanganga ako dahil sa cool nitong outfit. Gosh. Kung jowa lang kita- char ayoko nga. Bestfriend tayo sabi mo diba.
"Hey babe, mind if you let me in?" napabalik ako sa huwisyo ng bigla itong nag salita.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Anong babe ka dyan?
"Hoy! May pa 'babe-babe' ka ng nalalaman ah!"
Tumawa lang ito kaya naaninag ko naman ang kaniyang napakagandang mga ngipin. Bakit pag tumatawa ito, ang gwapo pa rin niya?
Bago pa man niya akong mahuli na natatagalan sa kakatingin sakaniya ay pinagbuksan ko nalang siya nang gate at pinapasok siya.
"Sorry pala hehe. Hindi pa ako naliligo." I mumbled.
"It's okay. Are you done cleaning the house?" tanong nito.
"Teka...pano mo nalaman na naglili-"
"Of course, araw-araw na gawain mo 'yon diba."
Ay oo nga pala, dahil nakasayanan ko ng maging katulong, nakasanayan ko na 'rin maglinis araw-araw especially kapag walang klase.
"Whatever. Maliligo muna ako ha? Dito ka lang."
Napataas ako ng kilay dahil dire-diretso siyang pumasok ng bahay at humiga sa sofa. Napaghahalataang walang hiya.
I went upstairs just to take a bath then afterwards, I change my clothes into a most presentable one. Of course, I want to look presentable towards Carlo.
Bumaba na ako at pumunta ng living room pero wala doon si Carlo.
Asan na yun?
"Aish. Sinabi kasing hintayin ako dito tapos hindi sumunod. Ang tigas talaga ng ulo.", Inis na sambit ko at sinimulan siyang hanapin.
Sinubukan ko siyang hanapin sa kabuoang bahay namin pero ni isang anino niya ay wala akong nakita. Umalis na ba yon?
"Hay!" Binagsak ko ang sarili ko sa sofa at isinandal ang ulo ko dito. PESTE! NAKAKAPAGOD DIN KAYANG HANAPIN SIYA.
Ang kapal nang mukha niya para pahirapan akong hanapin siya. Baka naman nagiba na isip noon at hindi na ako ililibre sa mall nang damit? Hala hindi pwede!
Napahawak ako sa aking beywang nang maramdaman itong medyo kumikirot muli kaya kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit napapadalas na ang pagsakit nito, baka naman may sakit ako sa kidney?
Subalit habang tumatagal ay mas lalong sumasakit kaya hindi ko mapigilan hindi maidiin ang hawak ko sa aking beywang.
"Argh!" I uncovered my waist and pressed the pressure wrapped in the left side. The
excruciating pain is even unknown. I can feel that there is something going on with my waist... something that wants to get out?
B-Baka buntis ako?! Pero bakit sa beywang lalabas?! Dapat dun sa ano...nebermaynd.
At saka pano ako mabubuntis kung wala naman akong naka ano...hehe. Si Carlo?
Iminuklat ko ang mata ko at nabigla ako ng makitang nasa harapan ko na pala si Carlo.
"What happened?" Nagaalang tanong niya. Pinakita ko naman sa kanya ang beywang ko at laking gulat ko nalang nang may nakita akong isang guhit dito.
"S-Sumasakit ito. At h-hindi ko alam kung pano ako n-nag---kaganyan..." pilit kong sabi. Namimilipit ako sa sakit. Maya maya ay nakita ko na kung anong nakalagay sa beywang ko.
Nagulat ako ng may isa ditong lavender flower na tattoo na color violet. "Arrggh!!"