Akmang sasapakin na ako ng prinsesa nang biglang lumindol. "Lindol?" "Bakit lumilindol?" Napakunot-noo naman ako nang biglang gumuho ang lupa. Napatayo ako sa sahig at napahawak sa pader dahil habang tumatagal ay mas lumalakas ang lindol. Nagkaroon ng c***k sa pader at nahulog ang piraso ng ceiling na muntik pang tumama sa isang estudyante. "Everyone! Go to the field!", sigaw ng isang babae. Sumunod naman sila habang sumisigaw ang iba. Napacross-arms naman si Kristine sa harap ng babae, "I don't take orders from a lowly life creature.", pananaray nito. "Edi bahala ka dyan! Pakielam namin sayo kung mahulugan ka ng ceiling dyan. Tara na, Chelsea!", tawag saakin nung babae. Nabigla naman ako dahil kilala niya pala ako. Tinignan ko pa si Kristine na parang ayaw talagang sumunod saam

